Kris Aquino, may mga alam na sikreto ni Joshua Garcia

ADVERTISING

Kris Aquino, may mga alam na sikreto ni Joshua Garcia

Kris Aquino, may mga alam na sikreto ni Joshua Garcia
Kris Aquino and Joshua Garcia

ILANG araw lang nagsama sa shooting ng pelikulang I Love You, Hater ng Star Cinema sina Kris Aquino at Joshua Garcia pero pakiramdam ni Kris ay kilalang-kilala na niya ang binata.

Nag-open-up daw kasi kaagad si Joshua kay Kris. Kris is playing Sasha na boss ni Joshua sa trabaho in I Love You, Hater.

Ayon kay Kris, parang lubos na niyang nakilala ang pagkatao ni Joshua dahil sa mga naikuwento nito sa kanya lalo na yung tungkol sa personal na buhay at sa pamilya. Bagama’t  open book na rin naman ang buhay ni  Joshua simula nung pumasok siya sa Pinoy Big Brother (PBB), pero baka meron pa tayong hindi alam na kay Kris lang niya ipinagtapat.

Bilib din si Kris sa working attitude ni Joshua at ng ka-loveteam nitong si Julia Barretto. Kahit daw walang pahinga dahil halos everyday ay merong commitments, hindi raw sila mariringgan ng reklamo at wala ring pag-iinarte sa set.

ADVERTISING

“Sobrang babait at very professional nilang dalawa. Sobra silang nakakabilib at minsan nakakaaawa na rin kasi kahit yung Sunday, wala pa ring rest dahil may ASAP sila,” kuwento pa ni Kris.

Sa June na ipalalabas ang Star Cinema movie na I Love You, Hater.

 
 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING