Kris Aquino, may mensahe sa panlalaglag ni Herbert Bautista

ADVERTISING

Kris Aquino, may mensahe sa panlalaglag ni Herbert Bautista

1 Kris-AquinoONE REASON kung bakit gusto ko si Kris Aquino personally ay dahil sa pagiging outspoken niya. ‘Yun ang gusto ko sa isang artista. Walang paliguy-ligoy. She speaks her mind. Kung ano ang nasa sa isip niya, sinasabi niya. May kaartehan man, pero ‘yun ang gusto ko. Straight-forward. I like celebrities tulad sa liga nina Dina Bonnevie at Sharon Cuneta. Intilehente. Hindi mga bobo’t walang alam.

Pero this time, after ilaglag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa interview kamakailan sa Bandila, tahimik lang si Kris. Hindi na nag-react pero may mensahe siya sa kanyang Instagram account.

“It is tempting to defend myself but what for? I’ve stumbled several times in my public handling of private breakups. And after all those experiences, thank God NATUTO NA AKO. There is peace in keeping quiet kasi nga kagaya ng sinabi ni Boy Abunda pag mainit pa ang sitwasyon at marami kang nabitawang salita pag kalmado na, pahihirapan mo lang ang sarili mo kasi ang dami mong kailangan walisin at ayusin. At 43 years old, finally learning when it’s best to just keep my mouth shut,” end of her statement.

In short, no turning back na para kay Tetay. Bukas makalawa, baka may lalaking kakatok muli sa puso niya and this time, ito na si Mr. Right. Basta, unsolicited advise ko sa Queen of All Media, quiet na lang siya at huwag nang ipagbunyi kung nilluluto pa lang ang bagong romansa at baka maunsiyami na naman.

ADVERTISING

Kung sakaling gusto man niyang magmaramot sa magiging detalye, karapatan niya ‘yun. Basta huwag lang niyang ikalakal ang bagong pag-ibig na kanyang matatagpuan kung saka-sakali.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING