Kris Aquino, may hugot sa pagpapaikli ng buhok

ADVERTISING

Kris Aquino, may hugot sa pagpapaikli ng buhok

Kris Aquino, may hugot sa pagpapaikli ng buhok
Kris Aquino

‘DI NGA ba’t may kasabihan na kapag nagpaputol ng kanyang buhok ang babae or nag-iba ng hairstyle ay may “something” sa kanya tulad na lang sa kakaibang glow ni Kris Aquino last Monday during sa presscon na bigay niya for re-electionist Sen. Bam Aquino’s wife Timi Aquino na very masipag na ikinakampanya ang mister.

“I’m supporting Sen. Bam,” pahayag ni Kris.

Sa katunayan, siya ang gumastos sa media conference para kay Timi na dahil sa kakulangan ng panahon, si misis ang siyang dumadalo sa mga imbitasyon para kay Sen. Bam.

Ito ang rason kung bakit binanggit ng Queen of All Media during the media conference na siya ang nag-sponsor (gumastos) ng naturang pagharap ng misis ni Sen. Bam ay para for the record na kapag tsinek ang mga tutulong sa mga kandidato sa kanilang mga kampanya ay legal ito at may resibo.

ADVERTISING

Sa katunayan, si Kris ang nag-approve ng budget ng naturang event. Siya din ang kumatay sa mga unnecessary expenses after her bad experience sa dating business partner niya sa kanyang KCA Productions na umabot pa sa demandahan.

Kris Aquino, may hugot sa pagpapaikli ng buhok
Kris with Sen. Bam Aquino’s wife Timi Aquino

On Kris latest hairstyle, may nagtanong tungkol kanyang hairdo.

Dahil sa kasabihan, may “something” ba kay Tetay ngayon na hindi alam ng media?

Is she in love? Simple lang ang sagot niya. Zero lovelife niya ngayon at focus lang siya sa kanyang trabaho.

Last Monday’s media conference, isa din si Kris na biktima ng lindol. Habang kaharap ang media ay nayugyug siya ng lindol na bigla ay kinabahan siya dahil ang dalawang anak na niya sina Bimby at Josh ay nasa bahay nila at naiwanan.

Ang bahay kasi niya sa Quezon City ay nasa fault line. “I want to go home na,” sabi niya sa harap ng entertainment media na kausap niya.

Kabado man sa naranasang lindol ay idinaan na lang ni Tetay sa biro ang sitwasyon para kumalma.
 
 
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING