Kris Aquino, may galit pa kay Herbert Bautista

ADVERTISING

Kris Aquino, may galit pa kay Herbert Bautista

Kris-AquinoWAITING PALA si Kris Aquino sa sorry ni Mayor Herbert Bautista. Until now ay hindi pa rin pala nakamu-move on itong si Kristeta sa nangyari sa kanila ni Mayor Herbert.

ADVERTISING

Napag-usapan kasi ang no comment ni Jane Oineza sa show nina Kris at Boy Abunda at naglitanya si Kris.

“Ito, sa totoo lang, merong nagpainterbyu tungkol sa ‘kin several weeks back. I won’t name names, you know na. And how I wish he just said no comment,” say ng Queen of Talk. Of course, she was referring to Mayor Herbert.

“Sana ganoon na lang. Sana sinabi na no comment kasi nanahimik naman si Kris so mananahimik na rin lang ako. Sana,” dagdag pa niya.

ADVERTISING

She acknowledged the fact na hindi pa siya nakamu-move on sa nangyari sa kanila ni Mayor Herbert.

“I’m sorry. Yeah, they’ll say hindi pa siya nakaka-move on. Tama po. Hindi pa talaga (ako nakaka-move on). Me galit pa nang konti. Me galit pa, eh. Pero puwede kasing mag-no-comment, eh,” say niya.

Realizing she opened another chapter of her life with Mayor Herbert, she said, “I’m so sorry. What did I do? Ba’t ba ako nagsalita nang gano’n? No, ito na lang. Kasi I’ve been waiting for a sorry, a personal sorry. Kasi parang nasabi ko, ‘hiniya mo naman ako sa buong publiko.’ Sana naman kahit tayong dalawa lang na magkaharap sana nag-sorry ka sa akin.”

 

TV HOST Boy Abunda defended President Noynoy Aquino’s decision to boot out the name of Nora Aunor in this year’s National Artist roster.

Maganda naman ang explanation ni Tito Boy, na karapatan iyon ng pangulo. Ipinagtanggol din naman niya si Ate Guy at sinabing Nora deserve the honor. But just the same, Noranians went ballistic and bashed Tito Boy.

“Para sa akin hindi siya totoo na noranian, plastic ka Boy sayang parehas panaman tayo mga taga waray- waray nawala na ang paghanga ko saiyo. kung ikaw tunay na noranian ngayon mo ipakita sa buong mundo na kaya mong ipagtanggol si ate guy . SHIT YOU ALL!!!!” matapang na pahayag ng isang ale sa isang Facebook fan page account.

“Boy Abunda isa kana ngayong tatawaging BALIMBING! Huh tao nga naman pagdating sa pera nawawala ang dignidad at morality isa kanang immoral tulad ng amo. okey lang malapit na ang panahon na mawawala kayo sa paningin ng madlang people but this is the only one i want you to know boy abunda isang kang anak ni hudas . maypayakap yakap kapa kay ate guy during your interviewed with her ! HUDAS KA BOY ABUNDA!!!” came another nasty comment.

We do understand where the Noranians are coming from but we need to RESPECT Tito Boy’s opinion in the same manner that he respect ours.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING