Kris Aquino, may bonggang collection ng Filipino great artists

ADVERTISING

Kris Aquino, may bonggang collection ng Filipino great artists

Kris Aquino, may bonggang collection ng Filipino great artistsIsa sa sa mga showbiz personaliies natin marahil ang may bonggang collection ng mga paintings ng Filipino Greats natin ay si Kris Aquino.

ADVERTISING

Mayroon siyang Fernando Amorsolo at Carlos “Botong” Francisco na nakasabit sa kanyang living room, bukod sa mga milyones na halaga ng mga paintings ng pamosong si Ang Kiukok na isang National Artist for Visual Arts din.

Aminado si Kris na wala siyang ka-art-art sa katawan.

Sa katunayan, ang glass sculpture ng isa pang National Artist na si Ramon Orlina na naka-display sa living room niya ay bigay ng kaibigang si Coco Martin nang minsan mag-taping si Tetay for Kris TV sa house ni Coco featuring ang mga expensive art colletions ng aktor na bukod kay Orlina, ang main door ng bahay ni Coco ay gawa ng no less than the Muslim National Artist na si Abdulari Imao na nakilala sa kanyang “Sarimanok” art piece.

ADVERTISING

Isa mga priceless art possession ni Kris Aquino na naka-display sa kanyang living room at nakasabit sa may bandang piano ay ang portrait ng kanyang ina na si former President Corazon Aquino na ipinagawa ng kanyang amang si Benigo Aquino sa isang pamosong pintor, si Fernando Amorsolo, bilang regalo sa kanyang kabiyak.

Habang isinusulat namin ito, si Kris kasama sina Kuya Josh at Bimby ay nasa Bangkok (Thailand) for a product endorsement shoot.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING