Kris Aquino, may bagong ‘boy toy’

ADVERTISING

Kris Aquino, may bagong ‘boy toy’

1 Kris-Aquino‘DI KO alam kung nagpapa-selos si Kris Aquino para mapansin siya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista or marunong lang alaga siyang maglaro.

ADVERTISING

Yes, sabi ng mga beki, may bagong “boy toy” daw si Tetay sa kautauhan ng modelo na si John Spainhour na nag-guest sa Kris TV simula noong Huwebes.

Papaano ba naman na hindi kikilikigin si Tetay kung ang modelo ay dream of every girls fantasy. Guwapo. Hunk na hunk at magbibilang ka ng abs na ibabandera niya without any effort.

Kahit pauwi sa outdoor activities nila sa Pampanga sa episode na ‘yun, kahit pawisan si John, lalanghapin mo ang mabangong pawis ng binata.

ADVERTISING

Tuloy sabi ng mga beki: “Walang muscle si Mayor Bistek. Mas lalong wala siyang abs na kahit sinong babae na may sexual fantasies, swak na swak si John sa mga ilusyon nila.”

Balbunin ba naman. Pati nga ang pagme-maintain ng balbon na katawan ng bagong “boy toy” ni Tetay ay napag-usapan. Sa usaping balbon at kung papaano nito inaahit para malinis at trimmed, may sexual sub-text ‘yun sa mga nakaiintindi.

Balita namin, sa pagkakagusto ni Tetay kay John na minsang naging mandirigma ng Amerika sa war zones sa mga tunggalian na pinanghihimasukan ng US; is it true magiging regular co-host si John ng Queen of Talk na tulad ni Daniel Matsunaga na minsang naging favorite ni Kris, malamang sa hindi magiging by-word si John sa followers ni Tetay na parang walang ipinag-iba ang binata sa mga consumer products na ini-endorso ni Tetay na basta ni-recommend niya swak at pasok sa banga!

I just don’t know kung ano ang reaksyon ni Mayor Herbert sa mga eksena ng “Lovey Dovey” niya last Thursday morning.

I hope walang away or tampuhan ang dalawa dahil sa mga eksena ni Tetay with her new you know what!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING