Kris Aquino, matitigbak na pala ang morning show kaya tumahimik sa social media

Kris Aquino, matitigbak na pala ang morning show kaya tumahimik sa social media

Kris Aquino, matitigbak na pala ang morning show kaya tumahimik sa social mediaMayroong isyu pala na pinagdadaanan si Kris Aquino kamakilan, reason why tahimik ang kanyang Instagram account. Follower kasi ako ni Tetay sa kanyang social media na sa bawat kibot at utot niya, asahan mo mababasa mo sa kanyang IG.

Deadma muna siya sa mga followers niya sa IG at nanahimik muna siya.

Pero matapos na maresolba ang kanyang sinasabing “professional issue” ay nagbigay na ng dahilan sa kanyang personal blog si Tetay kung bakit nanahimik siya for almost two weeks, na dati-rati, simula sa pagising niya hanggang pagtulog at maging ang mga pagkain na kinakain niya sa araw-araw ay naka-spotlight sa kanyang IG.

But this time, total silence si Kris Aquino. Nakapagtataka.

Last Monday, nagpaliwag na siya sapamamagitan ng kanyang personal blog.

Paliwanag niya, may purpose ang pananahimik muna niya.

To quote Kris: “I purposely stayed away from social media (and yes, Kris TV went on Best Of for 8 episodes) because there were professional issues we needed to resolve, and Thank You, Lord—natuto na ko that by being outspoken and sharing details with all of you, mas hahaba ang proseso at mas malabong maayos sa mahinahon at mature na paraan.

“That doesn’t mean that you are unimportant to me. The truth is I would never have become me had you not given me consistent support.

“BUT life has taught me that I should share with you my work, the process that goes hand in hand with my work, the ‘paying it forward’ aspect of sharing my blessings, and certain snippets of our family life that will hopefully inspire you.

“The rest of my life, I owe to my siblings and sons to keep among us. Alam nyo na pinaka sensitive ako when it comes to my family, somehow pag silang tinira, no matter how much I want to ignore the bashers and haters, the part of me that needs to stand up and defend my loved ones is unleashed, and bahala na si Batman, lalaban ako.

“This time was different, I knew that by containing the situation—there was a very big chance that I would have a much stronger opportunity of fixing everything where everybody would feel blessed, and there won’t be anything that I would need to later on clean up.

Dagdag pa ni Kris: “My cue came from one of Boy Abunda’s favorite sayings, ‘Pag emosyonal at hindi muna magsasalita, mas kaunti ang kakailanging walisin at bawiin kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon.

“Guess what, the girl who relished living 30 years of her life in the public eye actually felt peaceful keeping to herself.

“I mostly stayed home, except for going to Church to pray in total surrender and to give my thanksgiving. I was sick for 3 days with fever and then I had a bout of hypertension (158/105) from all my stress.

“This compelled me to stay in bed, eat very healthy, decompress, and sleep.”

Habang nanahimik muna at nagkulong sa sarili niyang mundo, walang ginawa si Tetay kundi ang magbasa at manood ng teleserye ni Coco Martin na “Ang Probinsyano” at ng “Pangako Sa ‘Yo” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bukod sa mga foreign TV series at pagbabasa din ng ibang babasahin about world currents events.

Bongga si Tetay, well rested huh!

Pero sa usaping propesyonal, balita ko ang kanyang morning show na Kris TV ay masisibak at magre-reformat na magkakaroon ng bagong co-host sa katauhan ni Anthony “Ka Tunying” Taberna.

Reyted K
By RK VillaCorta