Kris Aquino, matapang at matatag sa krisis ng pamilya!

Kris Aquino, matapang at matatag sa krisis ng pamilya!Kris Aquino, matapang at matatag sa krisis ng pamilya!SI PINKY WEBB na ngayon ang natokang maging partner ni Ted Failon sa radyo, replacing for the moment Korina Sanchez.

Mahusay si Pinky at may sariling hatak. Although malayo pa ang tapang nito sa tapang ni Ateng Koring, she could carry herself.

Worried nga lang ang mga fans ni Ateng na baka tuluyan na itong maging permanente dahil ayon sa nasagap naming tsika, talagang kailangang-kailangan na raw ni Manong Ted ng kasama sa sikat nilang teleradyo show sa DZMM.

Umikot kasi last week ang tsikang naghahanap na diumano ng permanent replacement ang programa na siyempre pa ay ikinabahala ng mga friends namin ni Ateng na hayun at grabeng busy sa preparasyon para sa kasal nila ni Senador Mar Roxas na sa Enero na nga po magaganap.

MATAPANG, MATATAG AT maingat na ngayon si Kris Aquino.

Sa dinaranas ng pamilya niya hinggil sa situwasyon ng kanilang ina, ang dating pangulo ng bansa na si Madam Cory Aquino, malaking pagbabago ang nakikita natin kay Kris.

Ito kasi ang nagsisilbing spokesperson ng pamilya at sa kanya lang natin naririnig ang mga detalyeng siya lang ang may kakayahang magbalita sa publiko.

Sinusubukan na raw tanggapin ng pamilya niya ang anumang darating ‘though sobra silang saya sa overwhelming support na ibinabahagi ng publiko para sa nanay nila.

Obvious sa pagbabalita ni Kris, siya talaga ang paboritong anak ni Tita Cory. Kahanga-hanga nga lang talaga ang paraan ng pagpapakita nila ng pagmamahal sa isa’t isa.

Here’s continuing praying for Madam Cory!

KAHIT NOON PA man, sinasabi na naming iba ang karisma ni Marian Rivera kay Angel Locsin.

Kaya nga nang makita naming naka-Darna costume ang una, agad naming sinabi na hahatak at tatatak din siya bilang si Marian. Mahirap pagkumparahin ang dalawa dahil sa henerasyong ito, sila ang dalawa sa pinakamaganda at seksi na nag-Darna.

Hangga’t hindi natin napapanood ang pag-arangkada ni Marian, wala muna tayong masasabi gaya ng mga nasabi na natin dati kay Angel.

Malinaw naman sa dalawa na wala silang kumpetisyon at natutuwa si Marian na magaganda naman so far ang nababasa niyang reaksyon ni Angel kaya’t wala daw siyang karapatan na magma-asim pa.

Kung si Gov. Vilma Santos na siyang pinakakilalang Darna, hindi nagkomento pa kahit sinabi pa niyang anak na niya si Angel dahil kay Luis, tayo pa kaya?

Basta ang inamin sa amin ni Marian, na sa buhay niya ngayon ay ang letrang “D” ang sobrang nagkumpleto sa kanya. Kung dahil ‘yun sa Dyesebel, kay Ding, kay Darna o kay Dingdong, o sa all of the above, let’s be happy for her.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus