Kris Aquino, mas type na ang lalaking smart kahit walang sense of humor

ADVERTISING

Kris Aquino, mas type na ang lalaking smart kahit walang sense of humor

Kris-AquinoHINDI BA parang ang bilis maka-recover ni Kris Aquino sa kanyang heartaches?

Naalala ko, na nang magsalita si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa huling interview nito sa Bandila na dinamdam ni Tetay, kinabukasan namaalam siya na a-absent siya sa show nilang Aquino & Abunda tonight para magpahinga.

Sa pamamahinga niya, nanood muli siya ng pelikulang The Fault in the Stars.

Noong special screening ng pelikula bago ito nagkaroon ng regular screening sa mga sinehan kamakilan, napanood na rin ito ng controversial host pero sa last 20 minutes ng pelikula, she has to leave the screening room dahil may show siya with Boy Abunda.

ADVERTISING

Sa pag-e-emote niya last week dahil sa latest bomba ni Mayor BistEk kung saan involved siya (as the Mayor’s Lover) minabuti niya na iiyak ang nararamdaman.

Kasama ng dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimby, nanood muli si Tetay sa Greenbelt with matching Derek Ramsay as her companion (sila na ba or props lang ang binata)?

Pero, now naka-recover na si Tetay (totoong recovered na ba talaga siya?), hopefully ay maka-moved-on na siya.

Kapag napapanood namin siya sa A & A gabi-gabi, parang iisipin mo na walang bagyong dumaan sa buhay niya.

Naka-tape man ang Tuesday episode niya yesterday ng Kris TV, sinabi ng host na sa pagkakataong ito, mas gusto niyang makasama ang isang lalaki na “smart” kahit walang “sense of humor” na ang basa ko ay si Mayor Bistek ang pinatutungkulan.

Gusto ni Tetay na after her 18 hours work, sa pag-uwi niya sa kanyang bahay, there’s someone she can talk to at makautudang-dila. May companion siya na mai-share niya ang mga nagawa niya sa araw na ‘yun, just like an ordinary “partner” na sa pag-uwi niya ng bahay ay makasasama niya at makakukuwentuhan ang “lalaki” na magiging partner niya. ‘Yong totoong partner na.

Sa tipo ni Tetay, dapat nga lang marahil na ismarte ang lalaking makasasama niya sa buhay. Tulad niya na bilib kami sa pagiging smart niya (except sa kanyang lovelife), swak na swak sigurado sila ng controversial host.

Kung sino man ang smart guy na ito na hinahanap ngayon ni Kris sa kanyang buhay, tapos na ang crying scenes niya. Basta ang mahalaga, she’s in search of a man na puwede siyang pasiyahin at makaututang-dila na isa sa major requirements niya kung sakaling titibok muli ang puso niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING