Kris Aquino, mas may chance na kay Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino, mas may chance na kay Mayor Herbert Bautista

Kris-AquinoEKLADORA TO the highest degree talaga si Kris Aquino. Daig pa niya ang tunay na aktres (at hindi ang etchoserang frog like her na hindi naman tunay na aktres) sa dramang ewan, pero sinusubaybayan ng madlang people.

Siya kasi si Kris Aquino. Kahit ano ang gawin niya, pinag-uusapan. Kahit anong drama at gimmick, at intensyon nIya, asahan mo na magki-klik sa publiko positive man ang reaksyon ng tao or makakuha man ng sandamakmak na mga komento mula SA mga bashers na para sa TV host, natutunan na niya ang “Art of Dedmatology”.

Diyan magaling si Kris. Kaya nga ngayon na magtatambal sila ng “love” niya na si Quezon City Herbert Bautista para sa pelikula ng Star Cinema para sa MMFF 2015 ang Saving Forever You sa direksyon ni Antoinette Jadaone; malamang sa hindi, nakakapit pa rin si Tetay (on the personal level) sa puso niya na umaasam-asam ng positibong kasagutan kung ano ba talaga sila ni Mayor Bistek na hindi naman nabigyan ng linaw, dahil pareho silang naduwag na aminin kung anong meron sila or kung may something man noon na naudlot dahil sa hindi makontrol nilang sitwasyon.

Aminado si Kris na lutang pa rin siya. Ito ang isa sa mga rason kung bakit tinanggap niya ang pelikula with Mayor Bistek for the reason na gusto niyang malaman at bigyang-linaw kung ano nga ba ang nararamdaman niya.

Pero panigurado niya: “Huwag magpakatanga the second time around,” say ni Tetay (‘yan ang sabi niya as of presstime na alam ko, magbabago at maiiba ang timpla).

Hula ko, bago matapos ang pelikula na ang shooting ay magsisimula na very soon, may magandang kaganapan na parehong ikasisiya ng dalawa.

Yes, sigurado ako, mai-in love na naman si Kris and this time, may linaw na lalo pa’t si Mayor Bistek at ang longtime live-in partner nitong si Ms. Tates Gana (may dalawang anak sila) ay hindi na nagsasama sa iisang bubong. Mas may chance na ma-develop si Tetay and this time, seryosohan na at wala nang taguan sa publiko ang tungkol sa kanilang “something” ni Mayor Herbert.

Reyted K
By RK VillaCorta