Kris Aquino, marami raw natutunan kay Herbert Bautista

ADVERTISING

Kris Aquino, marami raw natutunan kay Herbert Bautista

Kris-AquinoSA WAKAS, tama lang ang ginawa ni Mayor Herbert Bautista at nakipag-usap siya kay Kris Aquino nang personal matapos niya itong ilaglag sa interview niya sa Bandila kamakailan na nalagay sa alanganin ang pangalan at “reputasyon” ni Queen of All Media.

Ngayon, malinaw na ang nakabitin nilang split-up. Ngayon, may tuldok na at hindi na nakanganga ang publiko at nagsalita na nga si Kris last Sunday sa The Buzz.

As a true gentleman, binigyan na ng linaw ni Herbert ang nakabitin na split-up nila ni Kris. Humarap na si Mayor sa “ex-girlfriend”.

Dahil bukod kay Kris na nasaktan niya nang todo, humingi ng dispensa si Mayor sa anak ni Tetay na si Bimby na isa sa mga nasaktan na boto pa naman sa relasyon ng ina at ni Mayor for as long na masaya ang kanyang ina.

ADVERTISING

Nag-effort si Mayor na puntahan si Bimby at kausapin. Hindi kasi maiiwasan na sa gabi, kapag halos tulog na ang mga anak, sa gabi umiiyak si Kris. Nasaktan masyado na dinamdam naman ito siyempre ng anak na sa naging relasyon ng controversial TV host ay aprub pa naman si Mayor para sa anak.

Kung noon, iniwanan niya sa ere ang controversial TV host, this time matapos niyang ilagay sa alanganin ang Queen of All Media, may balls si Mayor Bistek at humarap at nag-sorry kay Tetay.

Happy na rin si Tetay sa naging ending ng short-lived relationship nila. Ang mahalaga, maraming natutunan si Kris sa pakikipagrelasyon kay Mayor Bistek.

Wika niya sa The Buzz, kung saan for the first time ay nag-open up siya tungkol sa naging relasyon nila ni Mayor Herbert, “All my life, I was selfish. But, in you, I proved to myself capable pala akong magmahal unconditionally.

“And kahit hindi nga maganda ang naging ending natin, ito yung first time na nakapagsalita ako na hindi ako umiiyak. Hindi ako galit. Grateful lang ako na dumating ka sa buhay ko.”

Pero may inaasam pa rin siya na after ng kanyang litanya last Sunday, “And someday, sana, sana maging magkaibigan pa rin tayo.”

Ngayon, p’wede na sigurong mag-move-on si Tetay lalo pa’t an’dyan naman si Derek Ramsey (nanlilgaw nga ba talaga ang binata sa kanya?) na pinasalamatan niya sa kanyang IG the night after siyang maglitanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING