Kris Aquino, malabo nang magkaroon ng lalaki?!

ADVERTISING

Kris Aquino, malabo nang magkaroon ng lalaki?!Kris Aquino, malabo nang magkaroon ng lalaki?!MAY LALAKI pa kaya na magmamahal kay Kris Aquino? Unless mahilig sa publicity ang lalaking pakakasalan niya o makakasama, maaari pa.

Sa kaso ni Kris kasi, ang lalaki na gusto ang tahimik na buhay na makasama lang siya ay malamang sa hindi, aatras sa kanya.

Hindi susunggaban ang pagmamahal na isusukli ng Queen of All Media sa kanya dahil sasakit lang ang ulo niya sa magiging buhay niya kasama si Tetay.

Kung susundan mo ang bangayan nila ng dating asawa na si James Yap, sali-saliwa na may karugtong ang isyung visitation rights “kuno” at kung anu-ano pa.

Simle lang naman ang isyu, bilang ina na gustong mapalapit din ang anak na si Bimby sa dating asawa, kailangan pa bang idaan sa korte? Kailangan pa bang pagpistahan ng media kung kalian puwedeng dumalaw si James o puwedeng masunod ang anak para magkaroon naman sila ng bonding?

ADVERTISING

Simple logic lang naman kung bakit pinapa-complicate pa ni Kris ang isyu.

Siya rin naman kasi, bawat buka ng bibig, hindi maiiwasan na para siyang bulok na karne na pagpipistahan ng mga bangaw. Sino kaya ang adviser ni Tetay? May mga close naman siyang showbiz reporters na puwede siyang pagsabihan o kausapin. Pero wala naman yatang ginagawa kundi kunsintihin siya na kung gusto niyang manahimik ang buhay niya, huwag na niyang ingawa sa press ang bawat utot niya.

Ewan ko lang kung ‘yong isang mayamang divorcee na half-American and half-Pinoy ay may lakas pa ng loob na ituloy ang planong panliligaw sa kanya sa estado niya ngayon, na kahit sinong non-showbiz citizen of the world ay matatakot sa magulo niyang mundo.

Bakit ang mga Hollywood star, what is private must remain at least private. Kapag ayaw nilang magsalita, they just say “no comment”.

Noong Friday nagkaroon muli ng hearing noong umaga para sa kaso. Pero sa July 1, kailangang humarap na sa korte si Kris kasama si Bimby para matapos na ang tunggalian. Kawawang Bimby, siya ang biktima sa bangayan ng ama’t ina.

Sa totoo lang, ako rin napapagod na pero si Kris, bongga at walang kapaguran!

 

PEG NI Daniel Padilla pala ang ex-boyfriend ni Vice Ganda na si Romeo Terence na varsity player ng FEU Tamaraws.

Napag-alaman namin na isa si Vice sa nagbigay ng kotse sa guwapong basketbolista na as of this writing, hindi namin alam kung sila pa nga ba ng komedyante o hindi na.

Nakita namin ang photo ni Romeo na kuha ng isang kakilalang basketbolista sa kanyang mobile phone. Kaya naman pala love na love ni Vice at super kilig kapag guest si Daniel sa Sunday evening show niya dahil may pinagmumulan.

Actually, mas malaman si Romeo. guwapo at puwedeng maging artista. Mas sexy ‘di hamak sa patpating katawan ni Daniel who will be back soon on primetime with his new teleserye with screen partner Kathryn Bernando in Got to Believe sa Hulyo.

 

SIMULA NGAYONG araw ang showing ng Four Sisters and a Wedding na unang handog ng Star Cinema para sa kanilang 20th anniversary, kung saan for the first time ay pinagsama ang four of the hottest young actresses natin plus siyempre ang guwaping na si Enchong Dee.

Napag-alaman naming Sam Milby will have a short role as Bea Alonzo’s partner in the movie directed by Cathy Garcia-Molina (better known as the box-office director).

Sa mga hindi nakakaalam, good friends sina Sam at Bea (hindi showbiz huh!) dahil noong nagsisimula si Sam sa showbiz (living in Manila alone at walang kamag-anak) tuwing special occasion like Christmas, palagi si Sam kina Bea dahil magkapitbahay lang sila noon sa condo. Pero ang friendship na ‘yun ay tumagal at hindi nagbago magasahanggang ngayon.

 

HEARD NA umalma na ang CBCP (Catholic Bishop Conference of the Philippines) sa gay themed late night beki-serye ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

Heto na naman sila, overacting. I’m sure ang mga beking mga taong simbahan, nabibitin marahil sa mga “kilig” scenes nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez kaya sila umaangal.

Pati Malacañang, binulabog gayong ‘and’yan naman ang MTRCB. Ang mga ipokritong mga banal-banalan are here again.

 Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING