Kris Aquino, magiging ninang na lang sa kasal forever?

Kris Aquino, magiging ninang na lang sa kasal forever?

2 Kris-AquinoBATA PA pero ninang na sa mga kasal si Kris Aquino. Pero oks na rin ito dahil sa tipo ni Kris, she can be a good adviser pagdating sa buhay mag-asawa kahit sabihin man natin na galing si Tetay sa ilang mga relasyon na sablay.

Ang sa kanila ng dating mister na si James Yap, akala ko noong una, romance made in heaven na dahil sa pag-ibig, binago ni Kris ang kanyang buhay na totoo at off-camera. Nagpaka-masa sa mundo ng mister.

Because of her love sa dating mister, dumayo pa si Tetay sa hometown ni James sa Southern Negros para lalong makilala ang pamilya nito na nauwi rin sa hiwalayan at demandahan na ang ending, all’s well that ends well at nagkaayos na rin sila for the sake of thier son Bimby Aquino Yap.

Pero pakiwari ko, meron na rin naman siyang sarili pag-ibig, pero ayaw lang niyang ipangalandakan. Tulad marahil sa pangako niya sa ka-partner na darating ang tamang panahon, ise-share din niya sa publiko kung ano man ang saya na nararamdam niya sa kasalukuyan.

Sa edad ni Kris, siya na nga yata ang “Ninang ng Bayan”. Kung dati ang tawag kay Kris ay Star of All Media; ngayon may bagong tag kay Kris. Siya ang “Ninang of All Media” dahil naging ninang siya sa kasal ng iba’t ibang mga ikinasal at ang recent ay ang kasalan nina Bianca Gonzales at boyfriend niyang basketbolista na si JC Intal sa El Nido, Palawan na ang reception ay ginawa sa Araneta Coliseum.

Sa katapusan, December 30, ninang na naman siya sa ikakasal na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Tuloy biro ng ilan sa mga malalapit niyang kaibigan, tila magiging “ninang” forever na lang si Tetay after her failed marriage at hindi na muling haharap sa altar para siya naman ang ikakasal for the second time around.

Ngayong Kapaskuhan, sinasabi nila na magiging malamig ang Pasko ng mga “loveless” but sa current status ni Kris, hindi man kilala ng media at publiko kung sino ang “special someone” niya, magiging warm pa rin ang Pasko ni Tetay lalo pa’t abala siya sa paghahanda ng kanyang grand Japan vacation after ng kasal nina Marian at Dingdong dahil doon siya magbabakasyon ng almost 6 days starting December 31.

Ang balik ni Kris ay sa January 6 kaya I’m sure fully recharge na ang Star of All Media… este, Ninang for All Media after sa sunud-sunod na trabaho para sa preparation ng MMFF 2014 entry niyang Feng Shui sa December 25 with Coco Martin mula sa direksyon ni Chito Roño.

Reyted K
By RK VillaCorta