Kris Aquino, lumabas ang kawalang-modo

Kris Aquino, lumabas ang kawalang-modo

Kris-Aquino-Darla-Sauler-BimbyMAAGA AKONG nagigising, kaya sakto lang na naaabutan ko ang palabas ni Kris Aquino na Kris TV kung saan ngayong tag-araw, ka-back to back ni Tetay ang anak na si Bimby na balang araw may potensiyal na maging TV host din sa paggiya ng ina.

Last week, I witnessed another kawalang-modo ni Kris Aquino sa kasama niya (at kaibigan – kung friend nga ba ang turing niya sa kanyang writer na si Darla Sauler) na naging regular fixture na sa kanyang morning show.

Ang role ni Darla ay kahuntahan ni Tetay na most of the time ay food taster niya kapag hindi siya sigurado sa kakainin niya (lalo na ‘yong mga spicy foods).

Last week episode ‘yun, kung saan dumalaw sila sa IRRI sa may Los Baños, Laguna, kung saan ipinakita sa show ang pagsasaliksik ng iba’t ibang klase ng palay at bigas para sa kapakinabangan ng buong mundo sa panahon na laganap ang gutom worldwide.

Sa isang eksena, may ibinulong si Bimby sa ina. Nagsumbong ito na si Darla ay nagte-take home ng bigas from Kris house na pinabulaanan naman ng writer. Nang i-deny ito ni Darla, ipinaggiitan pa ni Kris na pinaniniwalaan niya ang sabi ng anak na ang mga bata ay hindi nagsisinungaling.

Sa mga manonood noong umagang ‘yun, iisa lang ang naging konklusyon nila, ipinahiya na naman on national television ni Kris ang itinuturing niyang kaibigan. Nilinaw man ni Darla ang punto niya sa isyung ipinaparatang ni Bimby sa ina, wasak na si Darla sa publiko. Ang imahe niya ay “nagnanakaw” ito mula sa bahay ni Kris.

Off na off sa akin ang kaganapan na ‘yun. It’s very offensive. I pity Darla sa sitwasyon. Nasira na siya dahil sa pagiging taklesa na naman ni Kris na wala sa lugar.

Kung sa bagay, ang isang maliit na manggagawa sa telebisyon na bukod sa sahod as writer, may paambon pa si Kris na tulong sa “kaibigan” niya na may sakit na sa pagiging friends nino man ni Kris. I find the incident in bad taste.

Love ko si Kris sa pagiging straight forward niya. She speaks her mind, pero sa pagkakataong ito back to zero na naman siya sa akin.

Reyted K
By RK VillaCorta