Kris Aquino, libangan na lang ang pagtatrabaho

ADVERTISING

Kris Aquino, libangan na lang ang pagtatrabaho

Kris Aquino, libangan na lang ang pagtatrabahoHindi naman nakukulitan si Kris Aquino kapag kinakantiyawan siya ng kanyang mga kaibigan na kailangan na rin niyang magkaroon ng lovelife. Hindi rin naman nawawalan ng mga hula sa tuwing papasok ang bagong taon na kesyo magkakaroon na raw ng bagong lalaking magmamahal sa magaling na TV host. Napangingiti na lang din siya, dahil masarap lang marinig na mayroong mga lalaking darating at magpaparamdam, pero hindi pa rin naman niya tiyak sa kanyang sarili kung ready na ba talaga siya ulit makipagrelasyon.

ADVERTISING

Wala pa rin namang nagbago sa takbo ng buhay ni Kris ngayong kapapasok ang bagong taon.  Pinahahalagahan niya ang kanyang health, kaya medyo iiwasan lang niya ang sobrang mapagod. Pero sa punto ng pagpapahinga at hintuan ang mga dati niyang ginagawa sa showbiz, parang malabo iyong mangyari sa kanya, dahil napakasipag niya. Libangan niyang pampalipas-oras ang magtrabaho. Pero priority ni Tetay ang kanyang good health para sa mga anak niyang sina Joshua at Bimby Aquino Yap.

Iniintriga ang sangkaterbang mamahaling mga gamit ni Kris Aquino, ‘tulad ng mga damit at sapatos, pati na ‘yung isang floor daw ng house ni Tetay ay puro mga damit niya ang laman. In fairness naman sa magaling na TV host, kailangan niya iyon sa kanyang trabaho. Hindi pa man kasi siya ganyan kasikat, minsan ay nakapunta kami sa lumang house ng yumaong dating Pangulong Cory Aquino at ipinakita sa amin ni Tetay ang isang malaking kuwarto roon na naglalaman ng kanyang mga gamit, at talagang noon pa man ay napakarami na niyang damit. Nakabibilib siya. Organisado at napakalinis niya sa mga kagamitan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING