Kris Aquino, kilig na kilig sa kaguwapuhan ng Mexican president

ADVERTISING

Kris Aquino, kilig na kilig sa kaguwapuhan ng Mexican president

Kris-AquinoHINDI NAMAN pala inisnab ni Kris Aquino ang Christmas station ID ng Dos. Many were asking kasi kung bakit wala si Kris in this year’s station ID ng kanyang network.

“I was in Japan taping Kris TV when the Thank You spiels were being taped, then super na busy sa FENG SHUI,” she explained.

Still on Kris, halatang kinilig ang hitad when she met Mexican president.

“Last night, I was tasked to welcome President Entique Peña Nieto of Mexico and his wife, Madam First Lady Angelica Rivera. What a distinct honor for me to represent our country & have fun & informative coversation with charismatic Mexican leader & his party. Honestly, feeling super nostalgic, because I experienced this so many times before with my Mom & for my Mom during her presidency. When the ASEAN Summit was held here, I welcomed so many Heads of State in her airport on her behalf. What a previlage experience it again on behalf of PNoy this time,” post niya sa Instagram.

ADVERTISING

During her evening show, kilig na kilig ang hitad sa kaguwapuhan ng Mexican president. It was very visible habang nagkukuwento siya.

 

HINDI PA rin naman nawawala ang comedy flair ni Leo Martinez and he will display this in great abundance sa Gangster Lolo where he plays Asiong Salonpas kasama ang  senior citizen criminals na sina  Bembol Roco, Rez Cortez, Pen Medina, Soxie Topacio and Boy Alano.

All in the cast are competent performers, walang hindi nakaaarte kaya naman tiyak na kuwela ang mga eksena.

The movie revolves around a syndicate (grupo ni Leo) na engaged sa holdapan at nakawan. Nang pagnakawan nila ang isang jewelry shop, napalpak sila dahil nahuli sila except Boy Alano. Since si Boy ang pinagsususpetsahang nagtago ng mga nanakaw nila, tinugis siya ng leader ng kanilang sindikato. Nagawa naman ni Boy na sabihan ang kanyang grupo kung saan niya itinago ang mga ninakaw nila. Nang makalaya ang grupo, nagbagong-buhay sila at lumaban nang patas. Tumira sila sa isang tenement at naging bayani pa dahil nasugpo nila ang mga kriminalidad sa kanilang lugar.

The movie directed by William Mayo also stars Isabel Granada as parole officer. It is produced by Randy and Marilou Nonato and Ryan Flores under Cosmic Raven Ventures Productions. Showing na ito sa November 19.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING