Kris Aquino, kebs lang sa online bashers

ADVERTISING

Kris Aquino, kebs lang sa online bashers

Kris-AquinoAND SPEAKING of netizens, maging si Kris Aquino ay hindi na rin siguro naninibago sa kanyang online bashers. Ang maganda kay Kris, hinahayaan na lang niya ito, dahil ang katuwiran ng TV host eh, “she can’t please everybody”  lalo na ‘pag meron siyang sariling opinyon.

Meron lang isang netizen na natawa kami, dahil pinapangaralan nito si Kris ng, “Pakisabi naman sa kanya, ‘wag siya masyado excited pag me suitors siya o meron siyang apple of her eye, kasi ‘yang mga ganyang pagpe-preempt niya ang nakakadiskaril.

“Sana matutunan niyang manahimik at gawing private lang ang personal niyang buhay para hindi naeeskandalo ang mga lalake. Para tuloy siya mismo, sa sobrang excited niya, parang hindi makapaniwala na me magkakagusto sa kanya, kaya ibino-broadcast na niya!”

Hahahaha! Juice ko, pagpasensiyahan n’yo na si Mareng Kris, dahil alam mo naman ang lola n’yo, naging routine na sa buhay niyang i-share ang kalungkutan at kaligayahan niya sa kanyang audience.

ADVERTISING

Eh, kung merong lalaking kayang tiisin o tanggapin ang attitude na ito ni Kris, gow lang nang gow. Pero kung hindi pa handa ang lalaki, behave na muna o kung matapang na lalaki talaga ay sige, gawa siya ng paraan para “mapatiklop” si Kris.

Kami naman kasi ay naniniwalang ‘pag mahal talaga ng lalaki si Kris, wala siyang pakialam kung idaldal pa ‘yon ng lola n’yo on national TV. After all, dalawang bagay lang ‘yon, it’s either you hate her or love her. ‘Ika nga, if you can’t stand the heat, stay away from the kitchen.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING