Kris Aquino kay James Yap:
“Isang iyak ko lang, maniniwala sa akin ‘yung mga tao!”

ADVERTISING

<i>Kris Aquino kay James Yap:</i><br>“Isang iyak ko lang, maniniwala sa akin ‘yung mga tao!”

<i>Kris Aquino kay James Yap:</i><br>“Isang iyak ko lang, maniniwala sa akin ‘yung mga tao!”APEKTADO NGAYON si Sen. Chiz Escudero sa mga binitawang salita ng mga magulang ni Heart Evangelista na sina Rey at Baby Ongpauco laban sa kanya. Binabastos raw kasi sila nang harapan ni Sen. Chiz at walang respeto ito sa kanila. Hindi malinaw kung bakit bigla na lang nagalit ang pamilya ni Heart kay Sen. ChIz. I’m sure, may ma-bigat na dahilan, ‘yun ang dapat nating alamin.

Nagpadala ang senador ng text massage sa GMA-7. Sinabi nito, kahit nadadamay siya, ayaw raw niyang manghimasok sa hindi pagkakaunawaan ng nobya at ng mga magulang nito. Sana rin daw ay hindi manghimasok ang iba para manatili ang puwang na magkaunawaan din sila.

Nagbigay ng pahayag si Heart tungkol sa issue. Happy siya sa takbo ng relationship nila ni Sen, Chiz. Lalo raw magpapa-tibay sa kanilang relasyon kung anuman ang kani-lang pinagdaraanan.

“I’m very, very happy, Chiz and I. If there’s anything she do, it will make the two of us stronger,”say ng actress.

ADVERTISING

 

<i>Kris Aquino kay James Yap:</i><br>“Isang iyak ko lang, maniniwala sa akin ‘yung mga tao!”NAGING SENTRO na naman ng intriga sina Kris Aquino at James Yap dahil sa hindi pagkakaunawaan nito ngayon na humantong sa korte. Nagpa-interview ang sikat na basketbolista sa GMA-7 para ipaliwanag ang kanyang side sa diumano pananakit raw nito sa Queen of All Media. Mangiyak-ngiyak nga si James na humarap sa media at ibinulalas ang kanyang sama ng loob sa dating asawa. Pinagbawalan kasi siya ng korte na makalapit sa kanilang anak ni Kris na si Bimby.

Ipinagtanggol ni James ang kanyang sarili kaugnay sa mga paratang ni Kristeta. Labis na ikinalungkot ng PBA player ang pagpapalabas ng korte ng temporary protection order na hinihingi ng TV host-actress. Ang ibig sabihin, hindi maaring bisitahin o lapitan ni James ang anak nilang si Bimby.

Ikinuwento ni James sa media ang totoong nangyari sa kanila ni Kris nu’ng huli silang nagkita  nito.

“Bilang Tatay, nasasaktan ako dahil sinasabihan ako ng anak ko, ‘I don’t like you. You’re a liar.’ Iniisip ko, ano ba ang ginawa ko? Tapos, tinanong ko (Bimby), sinong nagtuturo sa ‘yo? Sinong nagsasabi sa ‘yo? Mama, Mama.”

Lumalabas sa petisyon ni Kris, pera ang naging dahilan kaya nauwi sa pagtatalo ang dating mag-asawa. Nasaksihan ng bata ang pangyayaring ‘yun kaya’t nagtanim ng galit si Bimbi sa kanyang ama. Paliwanag ni James, nagbibiro lang siya nu’n.

“Magpapaalam na sana akong umalis. Sabi ko, Beb, kiss muna si Papa kasi aalis na. Sinabi ni Bimby, ‘I don’t like.’ Ako naman sinabi ko, kung hindi mo iki-kiss si Papa, iki-kiss ko si Mama. Tapos hinawakan ko siya dito (sa may braso malapit sa balikat). Nang hinawakan ko na siya, sabi ni Kris, ‘Your hurting me.’ Tapos, siyempre, akala tuloy ng bata sinasaktan ko siya.”

Lumalabas sa kuwento ni James, may pagbabanta pa raw sa kanya si Kris patungkol sa kapatid na si Pa-ngulong Noynoy Aquino at sa kanyang dating mga naging karelasyon. “’Baka nalimutan mo, may 3 years pa ang brother ko?’, sinabi niya sa akin. Nakita mo ba kung nasaan na ‘yung mga ex (boyfriend) ko ngayon? Baka ganu’n ang gawin ko sa ‘yo. Isang iyak ko lang sa TV, maniniwala na sa akin ‘yung mga tao.”

Na-interview rin ng 24 Oras si Atty. Frank Chavez, abogado ni Kris. Puro kasinungalingan daw ang mga pinagsasabi ni James Yap dahil nakausap niya si Kristeta over the phone. “Hindi sinabi ni Kris ‘yun. She never said that.”

Itinanggi rin ni Atty. Chavez na sinisiraan ni Kris si James kay Bimbi. “Sumisigaw na ‘yung bata, stay away with my mother. Your hurting her. Hindi siya tinuturuan.”

Ayon sa lawyer ni Kris, may kinalaman daw sa pera ang mga pangyayaring ‘yun between Kris and James dahil pina-stop payment nito ang check na ini-issue niya sa dating asawa. “I’m not aware of the amount of the last check but the totality that he got and this is a matter of public record is about 14.5 million,” depensang sabi ni Atty. Chavez. Pinabulaanan naman ni Atty. Lorna Capunan, abogado ni James Yap ang naging pahayag ni Atty. Chavez.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING