Kris Aquino, kasama sa teleserye ng AlDub?

ADVERTISING

 alt=

Alden Richards, Maine Mendoza and Kris Aquino
Alden Richards, Maine Mendoza and Kris Aquino

Isang malaking pasabog sa bagong taon ang tiyak na ikatutuwa ng fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ayon sa usap-usapan, sa January 2017 na magsisimulang umere ang wala pa ring pamagat na teleserye ng AlDub. Matagal na kasing hiling ng fans na magsama sa isang malaking proyekto ang kanilang mga idolo, at hindi lang sa ‘Kalye Serye’ segment ng “Eat… Bulaga!”.

Nitong kalagitnaan ng taon, napagbigyan ang kahilingan ng AlDub fans sa pamamagitan ng pelikulang “Imagine You and Me” na kinunan pa sa Italy. Pero mukhang hindi kuntento sa isang pelikula lang ang fans nina Alden at Maine. They want more, ‘ika nga. Gusto nilang mapanood sa primetime ang mga ito.

Kaya nga ng malaman ng ilang die-hard AlDub fans na may gagawing teleserye si Alden pero si Jennylyn Mercado ang katambal, umalma ang mga ito sa social media at si Jennylyn ang naging target ng kanilang paninira. Para kasi sa kanila, hindi puwedeng itambal kahit kanino si Alden, kundi kay Maine lang.

ADVERTISING

Walang umanong magawa ang management ng GMA kaya kailangan nilang makipag-partner ulit sa APT, ang may hawak ng career ni Maine (gaya ng ginawa nila sa “Imagine You And Me”). Tinapos na ang ‘Kalye Serye’ para pagsamahin na sina Alden at Maine sa isang primetime series.

Ayon pa sa balita, dahil nasa APT na rin si Kris Aquino, malakas ang bulung-bulungan na isasama sa project na ito ng AlDub ang “Queen of All Media”. At mukhang ito ang isa sa malaking pagbabagong magaganap kay Kris sa kanyang paglipat sa Kamuning mula sa Mother Ignacia.

Kung mangyari nga ito, halos araw-araw na namang nasa telebisyon ang mukha ni Kris. Pero this time, hindi na siya magkukuwento nang magkukuwento tungkol sa kanyang sarili kahit may ini-interview siyang guest, kundi sa teleserye na siya magda-drama.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING