Kris Aquino, Kakaiba Kung Magregalo!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes! Thanks God it’s Friday! At ramdam na ramdam na natin ang presence ng Christmas na talaga nga namang ilang araw na lang ay magpapalitan na ng mga regalo.

Speaking of bigayan ng regalo, nakakalurkey talaga ang chikka ng aking mga kaparazzi, dahil matagal-tagal ko na ring hindi naira-write-up sa aking column ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Paano ka nga namang hindi malulurkey, eh nagpamahagi na raw ng regalo itong si Tetay sa kanyang mga kaibigan sa industriya. At take note, ang ganda-ganda ng pagkakabalot, eh ‘yun pala ang mga laman, eh mga products na kanyang mga ine-endorse at mga magazines na siya ang cover.

Nakakalurkey talaga! Wit ko kineri ang mga eksenang ganyan, ha? Nagtitipid yata ngayon ang presidential sister, ha? Pero in fairness, at least kinarir niya ang diwa ng Pasko na magbigayan at i-share ang mga blessing.

SPEAKING OF kinarir, kinarir na nga rin ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion ang paglipat sa TV5, kung saan ayon sa aking mga kaparazzi, sinasabing itong mag-ina na nga raw na ito ang magiging reyna at prinsesa ng TV5.

Eh, kasi naman daw si Sharon ang kumanta ng Christmas jingle ng TV5, pero ‘di sapat na basehan ‘yun para tawagin siyang reyna. Dahil kung inyong matatandaan, walang boses ang Superstar at in fairness, siya ang huling lumabas sa Christmas station ID ng TV5. Makikita ang sigla sa mukha ng Superstar na si Nora Aunor at mukha siyang first lady sa kanyang eksena na naka-kulay green pa.

Kaya nakakalurkey naman ‘yan ‘pag nagkataon na mapalitan ang mga may hawak ng titulo sa simpleng lipatan lang ng istasyon. Pa’no na ang mga unang binansagang reyna at prinsesa ng TV5? Ano kayang mase-saying dito ni Alex Gonzaga at ng the one and the only Superstar Nora Aunor?

ATIN PONG suportahan ang YouTube sensation couple na JAMICH (Jamvhille Sebastian at Paolinne Michelle Ligayu)  na  idol na idol ng aking anak na si Kariz. Sila’y magkakaroon ng Christmas Party Concert sa darating na December 19, 2011 sa may Area 05, Tomas Morato, Q.C.

Matatandaang naging guest ko po ang dalawang ito sa Pinoy Parazzi Live, kung saan ay nagsisimula pa lang sumikat ang video nila sa YouTube na BY CHANCE. Nakakatuwa at mukhang malayo na ang narating at malayu-layo pa ang mararating ng dalawa ito. Bukod sa mababait ay napaka-talented pa, na halos gumawa na sila ng station sa YouTube sa sobrang dami ng videos na kanilang ginawa. At take note, ha? Sila lang talaga ang may gawa magmula sa script, pagsi-shoot, editing at sa lahat. Talaga nga namang bibilib ka.

Kaya Jamich, more power at ‘wag kayong magbabago ha? Pak!

KUNG NABITIN kayo sa ating mga chikka, maaari n’yo kaming subaybayan sa DWSS 1494 khz sa programang “Ola Chikka Now Na!” with Lady Camille mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am – 12:00 nn, at tuwing Linggo sa DZRH 666 khz, “Sa Totoong-Totoo Lang ‘Yun Na!”, 2:30 – 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying… God bless us all! Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleLaptop, natangay ng magnanakaw Bahay nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla sa exclusive subdivision, nilooban
Next articleAnnabelle Rama, Bubuweltahan ng Attempted Kidnapping si Nadia Montenegro!

No posts to display