Kris Aquino at James Reid, kulang sa paninindigan

Kris Aquino at James Reid, kulang sa paninindigan

Kris-Aquino-James-ReidMGA DUWAG sina Kris Aquino and James Reid.

Si Kris, kaagad na nag-sorry kina Regine Velasquez at Ogie Alcasid at nag-reach out kay Judy Ann Santos matapos umani ng lait sa social media. Matapos i-unfollow ang tatlo sa Instagram ay biglang finallow niya uli ang mga ito.

Si James naman, matapos mag-post ng “People who read the tabloids deserve to be lied to” ay dinilete kaagad ang message niya.

Clearly, kulang sa paninindigan ang dalawang ito.

AJ-Ocampo-Alonzo-MuhlachAJ Ocampo at Alonzo Muhlach, bagong bibong kids sa showbiz

MAY DALAWANG bagong bibong kids sa showbiz – sina Alaina Jezl Ocampo or AJ at Alonzo Muhlach.

Si AJ ang bida sa 1 Day, Isang Araw, six years old lang siya at nasa preparatory school, ang  Pater Noster Montessori School sa Tagaytay City. She’s into sports according to her parents na sina Alona Barbuco and Jessie Ocampo.

Bibo si AJ dahil mabilis sumagot. Nang matanong kung sino ang favorite star niya, agad-agad niyang sinabing, “Gusto ko po si Marian Rivera at paglaki ko gusto kong gayahin siya dahil maganda siya at magaling umarte.”

Si Alonzo Muhlach naman ay anak ni Niño Muhlach na posibleng makasama ni AJ sa 1 Day, Isang Araw.

“Naku gusto ko rin siya dahil mabait siya at friendly,” say niya kay Alonzo matapos itong maka-bonding recently sa Tagaytay.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas