Kris Aquino, inuuto ang mga Pinoy?

ADVERTISING

Kris Aquino, inuuto ang mga Pinoy?

Kris-AquinoANO BA talaga? Sa totoo lang, hindi ko alam kung napapasakay pa ni Kris Aquino ang taumbayan sa sarili niyang publicity o gago lang talaga ang Pinoy at mga uto-uto.

Aminin man niya o hindi, tama ang sabi ng isang PR and publicity expert na hindi kailangan ni Tetay ng publicity manager lalo pa’t ang galing niyang gumawa ng kuwento or lead para mapag-usapan siya.

‘Di nga ba’t noong nakaraang birthday niya noong Valentine’s Day, siya mismo ang nagdeklara sa kanyang Instagram account that she was dumped my her suitor?

Kaloka, ‘di ba? Sakto ba ‘yun na ikaw ang babae na ang lalaki ay nanliligaw pa lang sa ‘yo, ipinakita mo na kaagad ang pagiging agresibo mo para ibandera sa buong bayan na iniwanan ka ng lalaking nanliligaw sa ‘yo at ayaw ka na niyang makausap o maka-text man lang.

ADVERTISING

Helo! Tama ba ‘yun? Mabuti at dead na si Madam Cory at si Ninoy at no comment na sila sa mga kaganapan sa buhay ng kanilang youngest daughter. Pero ang tanong, meron ba o pinasakay na naman tayo ng pagiging henyo ni Kris pagdating sa sarili niyang publicity?

Ni anino ng lalaki na sinasabing manliligaw niya, nasipat man lang ba natin? Ni background ng lalaking suitor na sinasabi niya, nalaman man lang ba natin? Ni minsan nga walang tsika about the ‘ghost’ suitor ng Queen of All Media. Kung meron man, at least tulad ng sunog, may apoy na pinagmulan o usok man lang. Pero waley. Ang Pinoy, palaging naloloko. Mga uto-uto naman kasi tayo.

Remember ‘yong dramang mag-e-expire na ang kontrata niya sa ABS-CBN at sa paglakwatsa niya abroad, iniwanan niyang naka-hanging kung saang television network siya lilipat? ‘Di nga ba’t maging ang istasyon ni MVP, nakisakay rin sa pakulo ng henyong si Tetay. Maging ang GMA 7, isa rin sa naging biktima sa hulaan, na ‘yun naman pala ay waley namang nakikipag-nego sa kanya.

Ang ending, istratehiya lang para tumaas ang asking price ng prime talent ng Kapamilya Network na bago siya dumating galing bakasyon, ang manager niya, nakipag-ayos na pala sa mga bosing ng network.

Ang latest, ang sinasabing pagkaka-link ng name ni Tetay kay Bataan Governor Albert Garcia na alam naman ng parlorista sa Dinalupihan na malapit sa plaza at ang mga rampadorang sina Jessica at Bridgette ng Mariveles na hindi maaari dahil kukulog sa katanghaliang tapat kahit summer na sa ‘Pinas.

Ngayon na oks na sina Tetay at dating mister na si James Yap at plantsado na ang karapatan ng ex-husband niya para sa karapatan sa anak nila na si Bimby, ano naman ang dramang eklat ni Kris na may pa-throwback eklat pa siya tungkol sa kanila ni James noong nanliligaw pa lang ang baketbolista sa kanya gayong maliwanang pa sa sikat ng araw na James is happy and romantically committed sa Italian girlfriend nito na si Michaela Cazzola. Tuloy sabi ng marami, hindi lang ilusyunada si Kris kundi relationship wrecker din daw pala ito.

Sa totoo lang kahit saan mo man tingnang angulo, may sabit palagi si Kris sa mga diskarte niya. Sa lahat ng mga relasyon na pinapasok niya, palaging nauuwi sa hiwalayan. From Philip Salvador to Joey Marquez to James Yap, lahat sila naging magulo ang buhay. Lahat sila naiskandalo.

We want Kris to be happy dahil karapatan niyang lumigaya. Pero sa mga nangyayari, palaging sablay na kung tatanungin mo ang publiko, karamihang opinyon dahil sa very strong ang personality niya at ayaw ng kahit sinong lalaki na ang misis o ang babae ang mangngibabaw dahil sa macho culture ng Pinoy, hindi uubra na si Tetay na magpapa-under sa kanila.

Kris has to give up something para lumigaya. Biro man o may katotohanan at naniniwala ka, bakit daw hindi magpa-cleansing si Tetay sa isang spiritual healer at baka may “sapi” ang kapatid ni PNoy para mawala ang negativities na sa usaping “love” as always, palagi siyang sablay at walang nagtatagal.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING