Kris Aquino, inisnab si Cory Quirino – Alex Brosas

Kris Aquino, inisnab si Cory Quirino - Alex Brosas

Kris Aquino, inisnab si Cory Quirino - Alex BrosasHOW TRUE NA inisnab ni Kris Aquino si Cory Quirino?

Sa isang telethon ng Dos noong kasagsagan ng bagyong Ondoy ay isa si Cory sa umupo para sumagot sa helpline ng Dos for Ondoy victims. May radio show kasi si Cory sa Teleradyo station ng Dos at dahil noong kasagsagan ng bagyo, pinaupo ang lahat ng radio commentators, ilang celebrities at TV host para sumagot sa mga tawag sa telepono.

When Cory came, she greeted everybody raw including Kris. The Talk Show Queen, in  return, was deadma lang, as if wala raw itong nakita.

Sabi ng isang insider ng Dos, hindi na law daw pinansin ni Cory ang pang-iisnab sa kanya ng Queen of Talk.

True ba ito, Kris? Pakisagot nga!

[ad#post-ad-box]

BLIND ITEM: TALAGANG karakter ang character actress na ito.

Minsan kasi, sa isang taping, hiningan siya ng ilang minuto para sa isang taped interview na may kinalaman sa show na kanyang nilalabasan. Since taping iyon, mabilisan lamang ang panayam.

Nag-agree naman ang aktres, pero ini-request nitong mabasa ang limang questions na itatanong sa kanya. Nang mabasa ang questions, kaagad nagsimula ang panayam.

Sa question pa lang, parang nag-inarte na ang aktres dahil tinawag nito ang kasamang character actor at nagtanong nang nagtanong. Then, segue sa second question ang TV reporter. Sinagot naman ng character actress ang second question.

Sa third question, nagpasintabi ang aktres at sinabing aayusin lang muna niya ang kanyang make-up. Then, tinawag niya ang make-up artist at nagpa-retouch ang bruha.

Muling tinawag ng aktres ang character actor na nauna niyang kausap. Tsika sila nang tsika hanggang sa napagtripan ng hitad ang kanyang buhok. Feeling niya, mahaba na ang kanyang hair.

Naloka ang TV reporter nang sabihin sa kanyang magpapagupit muna ang aktres. Hayun, sa inis niya, iniwan niya ang aktres at hindi na tinapos pa ang interview niya.

BLIND ITEM: ISA ring madrama itong laos na aktres na ngayon ay nasa ibang bansa na.

Humiling ng taped interview ang isang TV executive para sa show niya. Kaagad namang umoo ang aktres at ibinigay pa ang address ng kanyang bahay para doon na gawin ang panayam.

Umagang-umaga pa lang, naroon na ang TV crew para sa interview. Pinapasok naman sila ng kasambahay ng aktres. Nagulat ang anak ng aktres nang makita ang TV crew. Ang nasabi na lang daw ng anak ng aktres sa staff ay “good luck”.

Anyway, nag-almusal doon ang TV crew, pero hindi pa rin lumalabas ng kanyang kuwarto ang aktres. Natutulog pa raw say ng maid. Inabutan na ng tanghalian ay hindi pa rin umaapir ang aktres. Hanggang sa inabot na ang crew ng alas sais ng gabi ay wala pa rin maski anino ng beteranang aktres.

Ang ending? Hindi na natuloy ang interview.

The next day, sa taping ng aktres, naroon muli ang TV crew. Ipinakilala siya ng TV executive sa staff niya. Nabanggit sa aktres na naroon sa bahay niya ang TV crew. Medyo nagulat pa raw ang aktres. Hindi niya kasi maaalala na pinapunta niya ang crew sa house niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas