Kris Aquino, iniputan ng ibon sa ilong!

ADVERTISING

Kris Aquino, iniputan ng ibon sa ilong!Kris Aquino, iniputan ng ibon sa ilong!MARAMI ANG NAAALIW sa panonood ng Music Uplate ni Yeng Constantino bago mag-station ID ang ABS-CBN gabi-gabi. Sa page-guest nila kasi ng sari-saring banda at singers, mas nakikilala ng mga manonood ang mga ito bukod sa mga kantang binabanatan nila sa kanilang mga album.

Nu’ng una, napakinggan ko lang ang boses ni Yeng, akala ko nga si Gladys Reyes ang talkathon at ka-timbre niya, pati sa kakenkuyan ng mahusay na aktres.

Pero may mga taong mahilig mag-kumpara sa looks ng isang tao, gaya halimbawa sa hairdo nito. Meron ba namang nagsabing napagkamalan daw nilang si Madam Auring si Yeng sa kanyang ayos ng buhok? Kaya nitong Lunes ng gabi, nagpa-curl na tuloy ng kanyang hair ang mahusay na singer.

OA naman. Actually, sa bagong look ni Yeng, mas naaalala ko si Maribel Aunor nu’ng panahon ng Apat na Sikat.

BLIND ITEM. MATARAY KUNG TITINGNAN ang direktor na ito. Masasabing premyado na rin. Pero, hindi na siya gaanong gumagawa ng movies commercially. Try na siya ng paggawa ng indie.

ADVERTISING

At dahil marami naman siyang malalaking artists na nakasama in the past na malalaki naman ang mga names, this time, nagagawa niyang mapakiusapan ang marami sa mga ito para nga kahit na gratis o discounted na lang ang talent fee eh, makuha pa rin niya para lumabas sa proyekto niya.

Eh, kelan lang, isang masasabing malaking aktor na ang nag-shoot sa kanya. Kaso, naloka ito dahil ang call time niya ng alas-tres ng madaling araw ng Linggo eh, aabutin pala ng alas sais ng umaga kinabukasan na Lunes na. Kaya, galit na galit ito at naningil na talaga ng bayad. Dahil hindi na nga raw normal ‘yung ganoong trabaho na dire-derecho.

Wise si Direk, ha? Ito lang ‘ata ang direktor na nagbayad ng GCs (gift certiciates) sa kanyang artista. Kakaloka! At pati sa mga extras na ginamit nila, tig-P100 worth na gift certificate ng isang sikat na fast food chain.

Hindi pa kaya natatalakan si Direk nu’ng aktres na kasama rin sa pelikula nila, dahil sa estado nito, masasabing isa na itong primadonna, kahit na ‘di umastang primadonna.

Actually, parehong mahusay sa comedy ang aktor at aktres!

GINAWA NA LANG katawa-tawa ni Kris Aquino ang nangyari sa kanya sa pag-attend sa isang Easter Vigil kelan lang.

Sa may 3,000 kasing tao na dumalo sa nasabing vigil, si Kris ang naiputan sa ilong isang ibong lumilipad sa nasabing okasyon.

S’yempre, yucky’ng yucky man ang feeling niya that time, hindi naman siya pwedeng mag-inarte dahil may Misang ginaganap at nilinis na lang ng kanyang mga kapatid ang bumagsak na ipot sa ulo niya.

But later on, may nagpaliwanag daw sa kanya na may suwerteng hatid sa isang taong naiiputan ng ibon sa ulo, lalo na kung tatapat ito on Easter Sunday. Kaya, natuwa na ang nanay ni Baby James.

Eh, sa iba naman daw, parang kakaiba rin ang dating ng nasabing pangyayari. Bakit nga raw kaya sa dinami-rami ng taong naroroon, si Kris ang napiling iputan ng nasabing ibon?

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING