Kris Aquino, ininom ang gamot ni Joshua Aquino, nagkaroon ng matinding allergy

Kris Aquino, ininom ang gamot ni Joshua Aquino, nagkaroon ng matinding allergy

1 Kris-AquinoSUNUD-SUNOD NA ang presscon ngayon ng mga entry ng Metro Manila Film Festival at mabuti na lang imbitado naman ako, ha!

Hindi lang ako naimbitihan sa pelikulang Feng Shui ni Kris Aquino ha?

Okay lang! Pelikula naman ito ng love kong si Chito Roño kaya baka i-promote ko na rin.

Ito yata ang isa sa huling natapos dahil nu’ng nakaraang linggo lang nagsi-shooting pa rin sila.

Mabuti na lang at tapos na yata silang mag-shooting nang nagka-allergy itong si Kris.

Nagkamali raw at nainom ang gamot ni Joshua kaya matindi ang allergy nito.

Kahapon lang yata siya medyo gumaling at bumalik na siya sa show niya.

Nakakaloka talaga ‘yan si Kris, hindi nauubusan ng isyu! Nananahimik ang gamot ni Josh, pinakialaman at ininom. Ayan! Napag-usapan na naman siya tuloy!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis