Kris Aquino, iniasa na sa manghuhula ang lovelife

ADVERTISING

Kris Aquino, iniasa na sa manghuhula ang lovelife

Kris-AquinoMULA NANG lumabas sa Kris TV ang guwapong si John Spainhour na akala ng marami ay ang bagong “apple of the eye” nI Kris Aquino noong una siya na-guest dahil yummy namang tunay ang binata ay hindi nagkamali pala ang sambayan; hindi si John ang lalaki na muling magpapatibok sa puso ng Star of All Media.

ADVERTISING

Sa episode nila ng Kris TV early last week, naging topic ang tungkol sa “lovelife” ni Kris. Sa katunayan, umabot pa sa point na napa-consult pa siya sa isang geomancer na pinag-aralan ang kanyang date of birth, time of birth at an posisyon ng mga stars at planeta sa kalawakan para basahin ang kanyang nakaraan.

Say sa kanya ng Chinese geomancer who only speaks Chinese na para makita niya at makilala at pakakasalan ang kanyang true and everlasting love dapat makilala niya ito o mangyari after her 44th birthday on February 14, 2015.

“If I do decide na magpapakasal, after my birthday nitong 2015, hanggang mamatay na daw ako, basta kailangan after… kung sino man siya,” kuwento ni Tetay sa publiko na nakabuntot sa kanyang arawa-araw na drama sa buhay..

ADVERTISING

Ayon sa geomancer para mas maging perfect ang lalaki na pakakasalan niya, dapat ipinanganak ito na malayo mula sa lugar ng kanyang kapanganakan.

No wonder, si Quezon City Mayor Herbert Bautista na sa Kyusi ipinanganak ay halos ilang kilomentro lang ang layo ng Times St. sa West Ave. kung saan dito lumaki si Tetay bukod sa panahon na nasa Boston naka-based ang pamilya nila noong panahon ng diktaduryang Marcos.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING