Kris Aquino, inakalang ‘di na matutuloy ang movie nila ni Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino, inakalang ‘di na matutuloy ang movie nila ni Mayor Herbert Bautista

Kris-AquinoLAST FRIDAY nga ang huling appearance ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight at simula ngayong gabi (Monday), magso-solo na lang si Bong Abunda sa show via a new title na Tonight With Boy Abunda.

At tulad ng aming inaasahan, hindi makatitiis si Kris na basta na lang mamaalam sa kanilang show ni Kuya Boy na walang pasabog. Yes, inamin ni Kris na tuloy ang Metro Manila Film Festival movie nila ni Herbert Bautista. May naglabasan kasi lately na pinalitan si Bistek ni Derek Ramsay, pero hindi naman pala ito totoo.

Hindi naman itinanggi ni Kris na akala niya, hindi na raw talaga matutuloy ang movie. Pero finally, it’s pushing through na raw.

“And iba na ang title. Ayaw natin ng split sa Pasko, kaya gusto natin… love, love, love,” say ni Kristeta.

Ang ipinalit nilang title ay Pamilyang Love, Love, Love na habang sinasabi ito ni Kris ay tawa ito nang tawa na hindi malaman kung bakit. Maliban sa bagong titulo ng movie nila ni Bistek, ayaw nang magbigay pa ng ibang detalye si Kris.

“Surprise na lang,” aniya.

Samantalang nang humarap naman si Bistek sa ilang entertainment press kamakalawa sa Annabel’s resto, ayaw nitong magsalita tungkol sa balitang hindi pa rin natatapos ang pagmamahalan nila ni Kris.

Basta ang kinumpirma nito na muli siyang tatakbong mayor ng Quezon City sa darating na election kung walang magiging aberya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo