Kris Aquino, inaalagaan si Pokwang

ADVERTISING

Kris Aquino, inaalagaan si Pokwang

Kris Aquino, inaalagaan si Pokwang
Pokwang’s Baby Bump

FOUR MONTHS na pala ang bata na nasa sinapupunan ng komedyante na si Pokwang.

 
Sa kanyang instagram account noong isang araw ay nag-post siya ng kanyang “baby bump”na pakiwari ko na for a 4 months baby sa loob ng kanyang tiyan ay parang malaki ang bata na tawag nila ng kanyang live-in boyfriend na si Lee O’Brian ay “Baby O’Brian”
 
Total bed rest pa rin si Mamang Pokie lalo pa’t buo man ang bata sa loob ng kanyang sinapupunan ay ingat na ingat pa rin ito sa kanyang sitwasyon.
 
 
Kris Aquino, inaalagaan si Pokwang
Pokwang with live-in partner Lee O’Brian and daughter Mae Subong
 
Sa early part ng kanyang pagbubuntis, puna ng marami sa mga fans at supporters ng komedyante, mga instant noodles at Chinese food daw ang mga pinagkakain nito na may mga preservatives at MSG ang timpla na bad para sa baby.
 
Kris Aquino, inaalagaan si Pokwang
Fruits sent by Kris Aquino to Pokwang
 
Kaya last week, ang kaibigan niya na si Kris Aquino ay sinorpresa ang “komedyanteng buntis” nang magpadala ito ng sangkaterbang mga organic fruits and vegetables for Mamang Pokie.
 
We wish Mamang Pokie for an easier delivery at healthy baby.
       
Ang anak naman ni Mamang na si Mae Subong ay kasalukuyan nasa Paris for an internship sa natapos nito na culinary arts course sa isang school sa BGC.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING