Kris Aquino, ikinukumpara sa bagong GF ni James Yap

ADVERTISING

Kris Aquino, ikinukumpara sa bagong GF ni James YapKris Aquino, ikinukumpara sa bagong GF ni James YapPINAG-UUSAPAN PA rin itong nai-post ni James Yap sa Instagram account niya na kuha niya kasama ang isang maganda at mestisang babaeng kasama niya sa Italy.

‘Yun nga raw ang girlfriend nito na taga-Italy na napakaganda at madatung pa raw.

Kasabay nu’n, nagsalita naman si Kris Aquino sa isang presscon na neglected na raw ni James ang anak nilang si Bimby dahil hindi raw nito nadalaw nu’ng nakaraang Father’s Day.

Eh, nasa Europe pa nga si James, at bago naman ito umalis, gustong makita ang anak niya, hindi naman niya pinayagan.

Kaya nga nag-react ang abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan na tigilan na raw ang drama dahil meron daw silang pruweba na nagti-text daw si Kris na mahihirapan si James na makita ang anak nila.

ADVERTISING

Kaya ipinarating ni Atty. Kapunan na magpa-file daw sila ng motion na i-amend ang visitation order para madalaw na niya ang anak niya.

Malamang naloloka si Kris nu’ng lumabas ang litrato ng girlfriend ni James dahil ang ganda, ‘di ba?

May mga comments pa du’n na ikinukumpara sa kanya, at hindi matataypan ‘yun ni Kris.

Alam ko, bago matapos ang buwang ito, babalik na si James at haharap yata ito sa korte para sa nai-file na motion kaugnay sa visitation rights nito sa anak niya.

Abangan n’yo na lang sa Startalk, at tiyak na may kuwento kami tungkol diyan.

 

MAGANDA ANG feedback sa dalawang anak ni Benjie Paras na sina Andre at Kobe Paras na guests namin sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Sila ang gumawa ng mga fan sign sa Tweet X na segment namin at in-interview na rin namin.

Siyempre, hindi naman nila ako mapigilan nu’ng tinanong ko ang tungkol sa Mommy nilang si Jackie Forster na ayaw nga nilang makita.

Si Andre na mismo ang sumagot na bigyan daw sila ng space dahil hindi pa raw sila handa na makita ito sa trauma na inabot nila sa kanilang ina.

Naging emotional nga si Andre kaya hindi na namin sinundan ng tanong pa tungkol du’n.

Medyo na-depress nga ako dahil ina rin ako. I’m sure masakit ‘yun kay Jackie. Hindi ko naman alam na ganu’n kasakit ang sasabihin ni Andre, at naluha pa ito.

Sinabi ko na lang na sana huwag na lang masamain ‘yun ng kampo ni Jackie, dahil walang nagturo sa mga bata. Nanggaling sa puso nila ang sinabi nila kaya walang magagawa riyan si Jackie.

Alam ko, nag-react na si Jackie sa guesting na ‘yun ng mga anak niya, pero malay ko ba.

Wala naman akong Twitter account at hindi ko naman alam kung paano basahin ‘yun sa Twitter account niya. Kaya malay ko ba sa sagot niya.

Basta ako, nasaksihan ko kung paano alagaan ng asawa ni Benjie na si Lyxene ang mga bata at kitang-kita rin kung gaano nila kamahal ang Mommy Lyxene nila.

Sabi nga nila, masaya na sila sa Mommy Lyxene nila, at obvious namang masaya na sila sa pangangalaga ng kinikilala nilang Mommy.

Sa kanilang dalawa, itong bunsong si Kobe ang pinagkakaguluhan nang husto. Pero 15 years old pa lang kasi siya kaya ayaw muna ni Benjie na pag-artistahin ito. Tama na raw yung pa-guesting guesting lang dahil nag-aaral pa ito.

Si Andre naman ay gusto na ngang kunin ng Sunday All Stars pero ayaw rin ni Benjie.

Okay na raw ‘yung paminsan-minsang guest siya sa ilang TV shows dahil naka-focus pa sila sa pag-aaral at basketball.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING