Kris Aquino, iiskiyerda na sa bansa pagkatapos bumoto sa Lunes

Kris Aquino, iiskiyerda na sa bansa pagkatapos bumoto sa Lunes

Kris Aquino
Kris Aquino

Sitsit ngayon ng “political observers”, eklat lang ang maagang pagbabu ni Kris Aquino sa bansa matapos siyang magpasabi na aalis muli siya ng Pilipinas after niyang makaboto sa darating na Lunes.

Iiskiyerda na siya sa bansa at mawawala for almost 2 months at tutungo nga raw siya sa Europe tulad ng mensahe na gusto niyang iparating.

Pasabi ni Tetay thru her Instagram account kahapon: “I’ve been working non-stop because after voting on Monday, my sons & I will be leaving for more than 2 months.

“I am super grateful to all my endorsements for the continued faith they have in me… Because of them, I am going to be able to just focus on being a mom. It’s really the best Mother’s Day gift I could have ever been given,” pagkasulat niyang mensahe sa kanyang milyun-milyong tagasubaybay at supporters.

Nagpasalamat din si Tetay sa creative team (or shall I say glam team niya) during her shoot tulad nina @markednicdao, @jonathanvelasco__ & @rbchanco at @kimiyap.

Ang kuwento kasi, kahit anong gawin ng Kuya Noynoy niya na hatakin paitaas ang posisyon sa survey (na hindi naman 100% na accurate) ang manok ng administrasyon na si Mar Roxas, mahina pa rin at walang karisma ang “dilawan” sa mas nakararaming mga Pilipinong nadapa, nasugatan, at nagkanda-diskaril sa pagdaan sa sinasabing “daang matuwid”.

In short, si Mar na magiging talunan sa darating na eleksyon, ayon sa mga naglalabasang kuwento at analis sa internet, ‘pag nagkataon ay nakaamba na ang kaliwa’t kanang demanda at pagkakulong sa tambalang Noynoy at Mar ‘pag nanalo si Duterte (kung walang magic at hokus-pokus na magaganap at pandaraya mula sa administrayon).

Maging ang mga kapatid ni PNoy tulad nina Kris at Balsy at mga less popular sisters ay masasabit sa mga demanda at reklamo na ang kauuwian ay ang pagkakakulong.

Kaya bago madiskaril ang kung ano mang plano ni Tetay, inunahan na niya ng pag-alis, dahil kung magiging talunan si Mar, ang “super powers” ng Kuya Noynoy niya na magtatagal lang hanggang June 30 sa taong ito, ‘pag nagkataon, baka raw makakatsikihan na ni Tetay at ng mga sisters niya sa kulungan sina Janet Napoles and the rest of the “scam” personalities.

Ang hirap ng buhay ni Kris Aquino. Sala sa init, sala sa lamig. Si Tetay, kumakayod nang husto para sa kanyang mga anak na sina Bimby at Kuya Josh para ibigay ang sarap ng buhay na nabibili ng salapi, pero dahil kapatid siya ni Pnoy, pati siya sabit.

Ang Ate Balsy niya, sabit sa isyu tungkol sa MRT deal na sinalo lang daw ni PNoy at kung anu-ano pang isyu.

Kalokah! Kung ano man ang mangyayari sa eleksyon sa Lunes at kung ano man ang kahihinatnan ng mga kaguluhan ngayon, patnubayan ng Diyos tayong mga Pilipino.

Reyted K
By RK VillaCorta