Kris Aquino: ‘Hindi talaga fake si Erich!’

ADVERTISING

Kris Aquino: ‘Hindi talaga fake si Erich!’

Kris Aquino: ‘Hindi talaga fake si Erich!’
Erich Gonzales, Kris Aquino and Bimby Aquino-Yap

SA ISANG meryendahan tsikahan with Kris Aquino sa bahay niya sa Greenmeadows, Quezon City after ng pa-block screening niya for Siargao na MMFF movie ni Erich Gonzales ay naikuwento niya kung paano nagsimula ang closeness nila ng Kapamilya actress.

Aniya,  “Alam nyo kasi, she wasn’t ever in my radar yet but I remember my niece Gia and her mom,  si Viel, naadik talaga sila sa Katorse. Sila talaga, must-watch nilang mag-nanay yon.

“And yung pamangkin ko na yon Poveda, and after Poveda, Philippine Science. Talagang na-ano. And si Viel, sabi niya, she’s really good, ganyan-ganyan.

ADVERTISING

“And then, nung close na kami, ang nakita namin na talagang sobrang galing niya was with Two Wives nila ni Kaye Abad. Yon yung talagang nag-ano na siya, but more than yung pagiging actress, naging friend namin siya talaga, eh,” dire-diretsong kuwento ni Kris.

So far, wala raw naman siyang mga off the record na kuwento kay Erich na lumalabas.

 “Proven naman na lahat ng pinag-usapan namin walang lumabas ever,” sambit pa niya.

Close din si Erich sa anak ni Kris na si Bimby.

 “Sila ni Bimbs, meron silang tightness talaga, kasi even before, na kunyari meron akong taping na out of town tapos magsusyuting dadalaw yan talaga sa mga bata at magdadala ng food na silang tatlo lang.

“Alam mo yung mapi-feel mong genuine.  What I like about her is hindi talaga siya fake.”

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING