Kris Aquino, Hindi raw taklesa kundi mayabang! – Cristy Fermin

Kris Aquino, Hindi raw taklesa kundi mayabang! - Cristy Fermin

Kris Aquino, Hindi raw taklesa kundi mayabang! - Cristy FerminTAMA ANG OBSERBASYON ng mga nakakausap namin. Sinasadya na ni Kris Aquino ang pagiging taklesa. Pumasok na raw kasi sa kanyang sistema na palagi siyang pinag-uusapan dahil sa mga pinakakawalan niyang salita na kadalasan, hindi sinasang-ayunan ng ating mga kababayan.

Komento ng aming kausap, “Nasa system na niya ‘yun. Parang malungkot siya kapag hindi siya naka-headline sa mga tabloids at broadsheet, kaya sinasadya niyang magsabi ng mga bagay-bagay na alam niyang makakakuha ng atensiyon ng marami.

“Just to be talked about. Just to be noticed. Just to be different. Just to be in the middle of controversy. It’s in her system already and she enjoys it.

[ad#post-ad-box]

“Noon pa man, nu’ng baguhan pa lang siya, nakita ko na agad sa kanya ‘yun. She really loves being talked about, alam niya naman na lumalampas na siya sa dapat lang, but she deliberately says something na alam niyang magiging reason para mapag-usapan siya.

“Look, nagtatagumpay naman siya, ‘di ba? Nakatitikim lang siya ng mga negative comments, pero para sa mga taong gustung-gustong napag-uusapan sila, positive pa rin ‘yun,” deklara ng isang kaibigan namin.

Kahit daw magtulung-tulong pa ang mga kapatid ni Kris sa pagsaway sa kanya ay walang magagawa ang mga ito. Walang kahit sinong makapipigil sa dila ni Kris sa pagkawag dahil ‘yun ang talagang hinahanap niya.

Hirit naman ng isang taga-showbiz, “Hindi n’yo ba napapansin? Kapag may artistang sentro ng controversy, maghintay ka lang ng konting panahon at gagawa si Kris ng isang bagay na siguradong makaaagaw ng atensiyon ng publiko.

“Enjoy siya kapag pinag-uusapan siya, malungkot siya kapag tahimik ang mundo niya. ‘Yun ang reason kung bakit kahit alam niya namang sumusobra na siya, e, gagawin pa rin niya ang isang bagay para lang ma-divert sa kanya ang pansin ng public.

“Sagana naman siya sa attention, pero bakit nga ba siya ganu’n, masyadong KSP (kulang sa pansin) si Kris?” Komento ng aming kausap.

Maraming-marami nang kataklesahang pinalutang si Kris. Ang pinakahuli niyang sinabi na kinaiinisan ng marami ay ang katuwiran na kung pakikinggan niya ang pagliban sa kanyang trabaho, ayon sa Comelec, dahil baka makaimpluwensiya siya sa ating mga kababayan sa pagkandidato ng kanyang kapatid sa panguluhan ay hindi maaabot ng BIR ang kanilang quota.

Alam ni Kris na magiging mayabang ang dating niya sa publiko sa pagsasabi ng ganu’n. Pero sinadya niya, dahil siguradong mapag-uusapan na naman siya nang dahil du’n.

Sabi nga ng isang nakausap naming inis na inis sa aktres-TV host, “Hindi siya taklesa, mayabang siya!”

NU’NG MINSAN AY diretsong sinabi ni Mommy Dionesia Pacquiao na Rolex ang suot niyang relo. Lantaran din niyang sinabi sa ere ang halaga ng suot niyang alahas, daang libo ang halaga nu’n, pero walang nagkomento ng mayabang ang ina ni Manny Pacquiao.

Cute pa nga ang dating ng kanyang mga sinabi, aliw na aliw sa kanya ang manonood. Pero kung si Kris ang magsasabi nu’n ay siguradong aani na naman ito ng kaliwa’t kanang batikos.

Kung iba ang magsasabi ay cute ang dating, pero kapag si Kris, mayabang ang pagtanggap ng marami sa kanyang sinasabi.

Nakakaaliw naman kasi talaga si Pacmom, sa pagsasalita niya pa lang ay hahalakhak ka na, dahil bukod sa matigas na ang kanyang dila ay ipinanganak pa siyang komedyana.

Parang kailan lang ‘yun na kapag nakakasama namin ang Pambansang Kamao ay nasa isang sulok lang si Mommy Dionesia, nakamasid lang sa paligid, pero ngayon ay isa na rin siyang artista.

“Talagang ganu’n, weder-weder lang,” natatawa niyang komento.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin