Kris Aquino, hinahanap-hanap ang buhay probinsya

ADVERTISING
Leo Bukas

MALAKI ang naging epekto kay Kris Aquino ng pagtira nila nina Joshua at Bimby sa Puerto Galera nu’ng nagka-ECQ dahil sa covid-19. Bagama’t nakabalik na sila sa kanilang bahay sa Quezon City pero halatang nami-miss ni Kris ang simpleng buhay sa probinsya.

Nagdesisyon si Kris na magpunta ng Pampanga with Bimby for a while habang nasa Tarlac naman ang panganay niyang si Josh para sa isang short vacation at para makalanghap na rin ng fresh air.

Kris Aquino, hinahanap-hanap ang buhay probinsya
Kris Aquino

“Whenever his Lola Cory (Aquino) would go to the Aquino Center in Tarlac, kasama si Josh. I perfectly understand why this is his happiest place because napaka SPECIAL ng bond nila ng lola n’ya.

“Gusto talaga ni kuya Josh ang buhay probinsya. Pinayagan ko s’ya to be in #Tarlac now kasi ang deal namin he has to lose his tummy na bumalik dahil sa lockdown so everyday jogging sya. Kami ni Bimb nasa Pradera Verde in Pampanga with my friends, the Pineda family.

“I never imagined that I would reach a point in my life when my heart would feel peaceful and my health would benefit so much away from the city. but my work is in NCR, so the ideal is living somewhere reachable less than 90 minutes from the NLEX Balintawak entrance.

ADVERTISING

“The least likely person who would be advocating #balikprobinsya (in my case mas accurate ang #lipatsaprobinsya) because she’s always loved the vibrant energy of big cities, is seriously contemplating it now,” caption ni Kris sa kanyang Instagram post.

Kris Aquino, hinahanap-hanap ang buhay probinsya
Kris Aquino with sons Joshua and Bimby

Gagawin din daw niya ang lahat ng ikasasaya ng kanyang dalawang anak lalo na kung may kaugnayan ito sa kanilang kalusugan.

“I’ll do anything & everything for the happiness and well being of my sons, and that starts with prioritizing my wellness. #parasakinabukasan,” wika pa niya.

Sa mga nakaraang post ni Kris ay nabanggit niya ang “new chapter” ng buhay niya na ang tinutukoy pala ay ang pagbabalik niya sa hosting job sa isang television channel. Bumalik na rin ang isa niyang endorsement (bath soap)  dahil nga mukhang okey na ang kanyang kalusugan.

ADVERTISING