Kris Aquino-Herbert Bautista, obvious na

ADVERTISING

Kris Aquino-Herbert Bautista, obvious na

Herbert-Bautista-Kris-AquinoNAKU, ‘DAY! Lalong pinag-uusapan itong isyu nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista.

Hindi ko napapanood ang Kris TV, pero lagi raw binabanggit ni Kris ang pagkakilig niya sa taong nagbibigay Raw ng inspirasyon sa kanya. Hindi naman niya binabanggit kung sino ito. Pero obvious na si Herbert daw ang tinutukoy.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Kris. Si Herbert naman ay tikom din ang bibig sa isyung ‘yan.

Sinadya nga ng Startalk ang event ng QC Mayor na Grand JS Prom na ginanap sa QC Memorial Circle nu’ng nakaraang Biyernes ng gabi.

ADVERTISING

Paulit-ulit na tinatanong siya ng mga reporters tungkol sa kanila ni Kris, pero hindi raw niya talaga sinasagot.

Iniiba raw niya ang usapan, at wala talagang sinasabi na “no comment” o ano. Basta ayaw lang niyang sagutin.

Kasi naman sabi ng ibang nakakausap namin, totoo raw talaga, pero tahimik lang sila.

Marami pa rin ang hindi naniniwala kasi parang may halong pulitika naman ito. Pero hindi naman natin alam kung ano talaga, kung nagkainlaban o may ibang rason.

Okay naman kung talagang nagkainlaban sila, pero kung magkaproblema at wala nang love, ano ang mangyayari?

Naku! Sana hindi mangyari kay Herbert ‘yung nangyari nu’n kay Joey Marquez.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING