Kris Aquino at Herbert Bautista, may relasyon?

ADVERTISING

Kris Aquino at Herbert Bautista, may relasyon?

Kris-Aquino-Herbert-BautistaMUKHANG MARAMI ang hindi makapaniwala sa pinakabagong issue ngayon sa mundo ng showbiz tungkol sa namumuo diumanong magandang pagtitinginan nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

ADVERTISING

Naging palaisipan sa mga tao nitong mga nagdaang linggo kung sino nga ba talaga ang lalaki na tila inspirasyon ngayon ni Kristeta, dahil mukhang napakaligaya at in love nito ngayon, base na rin daw sa mga posts n’ya sa kanyang Instagram account.

Una na ngang napaghinalaan at naugnay sa TV host-actress si Bataan Governor Abet Garcia, pero ngayon nga ay biglang sumulpot ang pangalan ni Mayor Bistek.

May nagtsika pa nga sa amin na hinatid pa diumano ni Bistek ang presidential sister sa bakuran ng ABS-CBN two Fridays ago.

ADVERTISING

Pero gaano katotoo na hindi lang diumano first o second chance nina Mayor Herbert at Kris na ma-involve sa isa’t isa, ayon sa aming very reliable source, kundi pangatlong beses na raw ito kung sakaling sila na nga talaga?

Last Saturday raw ay dinalaw ni Mayor Herbert sa shooting ng pelikula sa Cavite area ang kanyang anak na babae na si Athena Bautista sa businesswoman at tila tumatayong First Lady ng Quezon City hanggang ngayon na si Tates Gana, dahil sa pagtulong nito sa alkalde at sa constituents nila na nangangailan ng assistance, kung saan may ibang showbiz reporters na naroroon din at tinatanong daw ito tungkol nga sa issue sa kanila ni Kris, ngunit tikom lang daw ang bibig ni Mayor.

Is it also true na in 2016, wala pa raw balak tumakbo ng Queen of All Media para sa national position kundi bilang mayora lang diumano muna ng Lungsod Quezon? Ano kaya ang mangyayari o tatakbuhin ni Mayor Herbert if ever tumakbo nga si Kris by then?

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING