Kris Aquino, halatang type si Daniel Matsunaga

ADVERTISING

Kris Aquino, halatang type si Daniel Matsunaga

Kris Aquino, halatang type si Daniel MatsunagaKAHIT NAMAN ipangalandakan ni Kris Aquino ang kanyang pagdedenay noon tungkol sa pagkakaugnay niya kay Daniel Matsunaga, mahahalata mo naman na iba ang glow ng mga mata ng mommy ni Bimby kapag nakikipabiruan, nakikipag-usap o nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend ni Heart Evangelista. Wala naman kasing dating kapag ang ikinukuwento ni Tetay ay mayroon siyang ibang nakikilalang mga lalaki na mas matatanda kesa sa kanya.

Mahahalata mo si Kris sa kanyang pagiging babae na sweet, pero ingat na ingat sa kanyang mga kilos kapag si Daniel ay kasama niya sa kanyang programang Kris TV sa ABS-CBN. Hindi naman nakakapanibago na kahit wala pang inaamin ay masasabing malapit ang loob ni Kris kay Daniel. ‘Di kasi nga, si Daniel ay maamong bersiyon ni James Yap na kanyang ex-husband. Basketbolista kasi si James, kaya astig na bersiyon siya ni Daniel.

Matagal na rin namang bakante ang puso ni Kris sa pakikipagrelasyon. Mabait si Daniel, kaya wala namang masama kung mahulog ang loob nila sa isa’t isa. Kahit pa sabihin ni Tetay na ayaw na niyang makipagrelasyon sa mga lalaking mas bata ang edad kesa sa kanya, puro mga mas bata kesa sa kanya ang dumarating para ligawan siya. Kaya baka mahirapan din siyang panindigan ang kanyang sinabi na ayaw na niya sa mga bagets.

 

ADVERTISING

Kris Aquino, halatang type si Daniel MatsunagaKASAL NA lang talaga ang kulang sa relasyon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pero dahil parehong sumasabak na naman sila ngayon sa maraming trabaho dahil katatapos lang nilang pumirma ng kontrata sa GMA-7, wala pa rin talaga silang maisagot kung kailan ang kanilang pagpapakasal. Natatawa na lang sila ni Dingdong, dahil parang ang ibang tao ang nagmamadali na magpakasal na sila, dahil nga naman nasa tamang edad na raw silang pareho para lumagay sa tahimik.

Pareho naman sina Dingdong at Marian ng kanilang mga katuwiran, na wala naman silang mga dahilan para magmadali tungkol sa pagpapakasal, dahil lagi naman silang magkasama at patuloy pa nilang nakikilala ang isa’t isa. Mas pinaniniwalaan nila, na sa mga pahapyaw na usapan at pagpaplano tungkol sa kasal, ang katiyakan at pagkakatuluyan noon ay kusa na lang darating dahil gusto nilang silang dalawa na talaga ang magkatuluyan.

Mahal nina Marian at Dingdong ang kanilang mga propesyon bilang artista. Pagkatapos pumirma ni Dingdong ng bago niyang kontrata sa Siyete, ipalalabas na kaagad ang bago niyang teleserye. Habang si Marian ay nakakasa na rin ang mga pagbibidahang teleserye. Busy na siya ngayon sa promo ng pelikulang Kung Fu Divas kasama si Ai-Ai delas Alas mula sa Star Cinema.

May rekord sina Marian at Dingdong ng matagal na pakikipagrelasyon sa mga nauna nilang minahal, kaya hindi nakapagtataka na nagtatagal din sila sa relasyon habang hinihintay ang desisyon tungkol sa kanilang pagpapakasal.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING