Kris Aquino, gusto nang ipapatay ang karakter sa bagong soap?! – Pilar Mateo

ADVERTISING

Kris Aquino, gusto nang ipapatay ang karakter sa bagong soap?! - Pilar Mateo

GANO’N NA LANG ang pasasalamat ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa sambayanang Pilipino sa pagtangkilik sa bago niyang soap sa ABS-CBN na Kung Tayo’y Magkakalayo. Pero hindi naman niya akalain na ang magiging kapalit pala nito, eh, ang pagkakaroon nila ng problema ng kanyang kabiyak ng puso na si James Yap.

ADVERTISING

Nakalimutan na nga ni Kris ang dahilan ng saglit nilang pagkakaroon ng tampuhan ni James bago sila magbakasyon sa Bangkok, Thailand noong Pasko at Bagong Taon.

Pero, isang problema ang kinaharap nila sa paglitaw ng isang babaeng ayon kay Kris, eh, tawag nang tawag kay James kaya naman minabuti niyang kausapin ito dahil ilang bahay lang naman ang pagitan nila. Ang ina ng sinasabing babae ang nakausap niya para ilahad ang nadarama niyang pagkabahala sa mga nangyayari. Dahil narinig naman daw ni Kris ang naging usapan nito at ni James nang tumawag ang nasabing babae sa bahay nila na sinagot lang ni James ng “Kung ayaw sa ‘yo, eh, huwag mong ipilit!”

Natural sa isang asawa na gaya ni Kris ang mabahala. Pero, hindi naman niya inakala na ito ang gagamitin against sa kandidatura ng kanyang kapatid na si Noynoy. Kaya sinabi niyang hindi kasali sa buhay nila ni James ito.

ADVERTISING

Pansamantala munang sa bahay ng Ate Pinky niya nananahan ngayon si Kris at ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James.

Wala raw siyang tinatapos sa pagsasama nila ni James. Mahal pa rin daw niya ito. Pero hindi naman daw niya matatanggap na parang siya lang ang nagmamahal. At kailangan daw pareho nilang ma-realize na sa isang pagsasama-dalawa ang nagtatrabaho to make it work.

In fairness kay Kris, lahat pa rin ng sakripisyo, eh, ginagawa niya para walang maging dahilan si James na magselos, lalo pa nga’t sumalang na naman siya sa isang soap na kakailanganin ang mga intimate moments sa leading man niya. Umabot na pala si Kris sa puntong ipinapapatay na lang niya ang karakter niya para wala na raw masabi ang asawa niya, pero ang trabaho naman niya ang naaapektuhan. Kaso, siya nga ang bida kaya paano mangyayari ‘yon?

HINDI NANANAHIMIK ANG intriga sa pagpasok ng isang TV executive sa isang network para siyang mamahala sa pagpapatakbo nito sa bagong administrasyon nila.

But up to now, mum pa rin ang nasabing TV executive sa paglilinaw sa nasabing mga usap-usapan, kung saan idinadawit ang pangalan niya at inili-link pa sa isang aktor na hindi na aktibo, na siya naman daw magiging vice-president ng nasabing kumpanya.

Blangko pa rin sa mga kasagutan nila ang mga taong unang nakaalam sa nasabing balita.

BALIK-BANSA NA ANG nagtangkang manatili na lang muna sa Amerika na si Lotlot de Leon. Ang maganda, may proyektong naghihintay sa kanya sa pag-uwi niya sa bansa.

Sila ni Julio Diaz ang magkakapareha sa Gumapang Ka Sa Lusak sa GMA-7.

Ang tanong, ano raw ba ang nagtulak kay Balot para iwang muli ang Amerika at dito pa rin manirahan matapos na makita niya ang biological father niya roon at ang surrogate Mom na Superstar? Hindi raw ba nahanap ni Lotlot ang tunay niyang hinahanap sa pagtungo niya roon?

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING