Kris Aquino, gumawa ng gulo sa social media!

ADVERTISING

Kris Aquino, gumawa ng gulo sa social media!

Kris Aquino, gumawa ng gulo sa social media!BILIB KAMI kay Kris Aquino. She can create chaos sa social media without even lifting a finger.

ADVERTISING

Nag-away-away ang mga tao sa kanyang official fan page site sa Facebook when she posted photos of her while riding an MRT. Nagtalu-talo ang fans and bashers alike niya.

“Publicity stunt obviously,” sabi ng isang obviously ay hindi kampi kay Kris.

“Gusto nyan lagi napapansin ng publiko,” obserbasyon naman ng isa.

ADVERTISING

Kinuyog, actually, ang bashers ni Kris. Ang daming nagtanggol sa taklesang TV host.

“2 thumbs up Ms KRIS AQUINO! Ano naman masama sa pagsakay ni Ms.Kris! atleast naranasan nya ang makipagsiksikan sa dami ng tao sa MRT! Malay nga natin baka makatulong sya for the improvement of MRT! Dito sa Dubai poor or rich ka man ok lang na sumakay walang pakialam mga tao at ang service napakaganda sana jan din sa pinas ma-improve ang MRT! gus2 kita Ms.Kris kc totoo kang tao! More power and May God Bless you and your family,” one Kris fan said.

“Di naman sasakay yan kung me ibang paraan na makalusot ang sasakyan nyan e, NAPILITAN ang tamang term na mag-MRT kasi nahuhuli na sa event na pupuntahan nya,” paliwanag naman ng isa pang tagahanga ni Kris.

Ang isang follower, nagbigay pa ng insights sa kabaitan ng mga Aquino at Cojuangco.

“Gusto ko ipapaalam sa lahat gaano kababait ang dalawang pamilyang yan Aquino at Cujanco lahat na naging katulong ,driver securitu guard ang mga anak nila pinapaaral ng mga yan yhen pagkatapos mag aral naghihintay na ang magagandang trabaho sa mga companya nila dalawa sa kaibigan ko ang mga anak nila nasa PLDT kayung hindi nakakaalam sa mga buhay nila dahil hindi nyo sila nakakasama sa loob ng kanilang tahanan wag nyo silang huhusgahan kase ang alam nyo sa kanila puro balita sa tv lang …..yun nga lang karamihan sa kanilang kinukuhang kasambahay ,driver priority nila ang mga kababayan nila at dagdag nyo pa ang mga sahud napakalaki magpasahud sila at kung may problema sa pamilya hindi sila nag aalangan tumulong kahit sampung taon mong sweldo ibibigay nila sayo…..napakabait ng mga yan lalo na si Mrs. Corazon Aquino at Imelda Cujanco kung buhay pa kase wala na akong balita since I am here in UNITED STATES,” chika ng isang fan.

 

KAALIW ANG one-liner ni Direk Wenn Deramas kung bakit niya napili si Andi Eigenmann bilang Galema, ang anak ni Zuma.

“Kasi ahas siya,” walang takot na sabi ni direk Wenn. Of course, nagbibiro lang siya.

“Anak-anakan ko siya dahil I was her first director sa TV. The role of Galema is not easy. Unang requirement, kailangang maganda siya. Eh, maganda naman talaga si Andi, parang Barbie doll, ‘di ba? At nang idirek ko siya sa Kahit Puso’y Masugatan, nakita kong ready siya kahit ano’ng ipagawa ko sa kanya. So naging personal choice ko siya as Galema,” esplika ni Direk Wenn.

Andi was honest enough to admit na hindi tunay na ahas ang nasa balikat niya. Isa raw itong animatronics.

Of course, napanood niya ang past Galema at Zuma movies bago niya tinanggap ang role bilang babaeng ahas.

 

GULAT NA gulat si Carla Abellana sa isang follower niya sa Twitter na nagsabing magtatapos na ang My Husband’s Lover sa October 4.

“Sino po nagsabi october 4? buti pa kayo alam na october 4, kami hindi eh,” sagot niya sa nag-reveal na matsutsugi na ang soap opera nila.

Parang papatapos na nga ang soap dahil sa nangyari sa character ni Vincent na nagpakamatay noong Lunes at nire-revive pa.

Napanood namin ang mahabang litanya ni Tom Rodriguez habang kausap niya si Roi Vinzon at mahirap ang kanyang eksena. He pulled it off at ‘di kami magtataka kung manalo siyang best actor based on that scene alone.

Ang galing-galing ni Tom sa dramatic scene na ‘yon, one of the finest moments on television that we saw.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING