Kris Aquino, ginawang food taster ang assistant na si Darla Sauler?

Kris Aquino, ginawang food taster ang assistant na si Darla Sauler?

Kris-AquinoMARAMI ANG naloka sa pagiging insensitive ni Kris Aquino nang sabihin daw nito sa kanyang sariling talk show ang patakaran ng programa ay ang assistant niyang si Darla Sauler ang mauunang tumikim ng pagkain sa kanilang food trips.

Parang pinalalabas ni Kris na isang dakilang food taster ang papel ni Darla sa kanilang show.

Siyempre pa, nag-react ang ilan. There was one guy who asked, “@darLasauLer sis, hindi ka ba na-offend sabi ni Kris ang patakaran sa lahat ng food trips nyo ikaw muna titikim dahil sa milk tea scare?

“diba? So Darla is just disposable for Kris Aquino? How mean and insensitive. #RespectDARLA @darLasauLer,” say naman ng isa pa.

Kung true nga na sinabi ni Kris na si Darla ang dapat maunang tumikim ng food sa show nila, medyo may kataklesahan nga naman ‘yon. In bad taste ‘yon lalo pa’t merong milk tea scare na kumakalat sa bansa bunga ng pagkamatay ng dalawang tao.

Agad-agad namang ipinagtanggol si Kris ng isang fan and said, “It was obviously a joke haha don’t make a big deal out of it.”

But one guy wailed, “joke ain’t funny if someone actually died from it.”

“anlakas maka food taster ng hari at reyna ganon, dapat may hazard pay si Darla,” komento naman ng isa pang guy.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas