Kris Aquino, Gets Mad Because Of Her Tv Show’s New Timeslot

ADVERTISING

Kris Aquino, Gets Mad Because Of Her Tv Show’s New Timeslot

Kris Aquino, Gets Mad Because Of Her Tv Show’s New TimeslotOLACHIKKA! NOW NA! Oh no! Oh yes! More kontro-bersiya na naman ang mga eksena!

ADVERTISING

Mawawala na raw ang The Price Is Right ni Kris Aquino. Once a week na lang ang game show ni Kris dahil mababa daw ang ratings nito. Nagalit daw ang TV host dahil hindi raw ipinaalam sa kanya ang pagbabagong ito.

Sa kumpirmasyon na ipinadala ni Kane Choa, PR director sa ABS-CBN, sinabi nitong hindi tuluyang mawawala ang programa. Ililipat lang ito ng Sabado at ang remake ng Mula Sa Puso ang ipapalit sa weekday timeslot ng The Price Is Right.

Hindi talaga ako makapaniwala na wala nang karisma si Kris dahil humina nga raw ang ra-tings ng show. Ako talaga, pinapanood ko ‘yan at may katuturan naman, kulang lang talaga sa pansin. Kung ililipat ito bago mag-Showtime, siguradong mas maraming manonood nito.

ADVERTISING

Ano rin kaya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang show nina Kris at Ted Failon? May balitang magkakaroon si Kris ng teleserye with Anne Curtis. Ito kaya ang dahilan?

BLIND ITEM: ISANG GAY politician ang bigay-todo raw kung maka-gets ngayon ng mga yummy actor. Ang latest nga ay itong dalawang ‘maharlikang’ aktor na bibigay din pala sa halagang P80 thousand! Ang mahal, huh!

Heto ang clue: ‘yung isang actor at naging endorser ng isang sikat na underwear at visible ngayon sa mga teleserye. ‘Yung isa naman, visible din sa mga TV shows at endorser naman ng isang perfume. Pareho silang may ‘J’! Hahaha!

Hindi n’yo pa ba mage-gets kung sinech sila?

For more chikka more fun, makinig na lang kayo Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30-12:00 ng tanghali, saan pa? Sa DWSS 1494KHZ, kasama ko ang aking co-host na si Lady Camille. Su-baybayan pa rin ang programa ko tuwing linggo sa DZRH 666KHZ, 2:30-3:30 ng hapon!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING