Kris Aquino, eklat lang ang pagtigil sa showbiz

ADVERTISING

Kris Aquino, eklat lang ang pagtigil sa showbiz

Kris Aquino with Josh and Bimby
Kris Aquino with Josh and Bimby

Sabi ko na nga ba’t ang tatlong linggong pagbabakasyon ni Kris Aquino sa Hawaii kamakailan para sa kanyang kalusugan at pagpapagaling ay isang paandar lang ni Tetay.

Nagtataka ako kung bakit ang isang maikling pagbabakasyon (na nagagawa naman niya nang walang alingasngas) ay naging isang madramang “three weeks break” at ginawan pa ng malaking funfair.

Akala nga ng marami, matatagalan si Tetay sa pagkawala niya sa eksena sa showbiz nang mag-decide siya na iwanan ang kanyang top-rating morning show na “Kris TV”.

‘Yun pala, matapos maglakwatsa at mag-walking-walking sa Waikiki Beach sa Honolulu, Kris is back last week para gawin naman ang previous commitments niya sa mga product endorsements niya.

ADVERTISING

Ang guess what? There’s more reason kung bakit bumalik si Kris agad-agad. Sa pagbabalik niya galing sa kanyang short vacay ay ratsada naman siya sa campaign trail ng iniendorso niyang Mar Roxas-Leni Robredo team.

Ang alam ko, bago pa man umalis si Kris para magbakasyon ay pro-Leni na siya at ini-endorse na niya ito. Sa katunayan, may video endorsement na ngang nagawa si Tetay noon beore his Hawaii wellness vacation.

Nagtataka lang ako kung bakit bigla-bigla, si Mar isinabit sa endorsement niya, na balita nga sa showbiz noon, walang “paki” si Tetay kay Mar at hindi niya ito bet na pumalit sa Kuya Noy niya.

Kumalat kasi ang tsika noon na nagkaroon ng falling out between Kris and Korina Sanchez, na maiintindihan mo ang rason ng celebrity host kung sa simula pa lang ay wala tayong naririnig na isang Pro-Mar Roxas ang isang Kris Aquino.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING