Kris Aquino, ‘di sinisipot ang show dahil kay Bistek

ADVERTISING

Kris Aquino, ‘di sinisipot ang show dahil kay Bistek

Kris-AquinoMUKHANG PATULOY na nga ang maayos na relasyon nila Kris Aquino at ng dating asawa na si James Yap. Nu’ng June 13 ay pinost ni Kris sa kanyang Instagram account ang isang larawan na kasama niya si James, ang anak nilang si Bimby sa isang studio sa Makati para sa isang commercial shoot.

Tuwing Biyernes ang araw na puwedeng makasama ng basketbolista ang anak base sa visitation rights na pinagkaloob sa kanya ng korte. Hindi lang klaro kung dumalaw ba sa nasabing shoot si James at kasama ni Kris si Bimby o rito hinatid ng basketbolista ang anak.

Sa nasabing larawan, nakahawak sa binti ni Bimby si James habang nakaupo ang bata samantalang nakahawak naman sa kamay ni Kris ang anak habang inaayusan ito. May caption pa ang nasabing larawan sa bagong Instagram account ng TV host, ang @lovelovelovekrisaquino “Cool lang kaming lahat. Advanced Happy Father’s Day, James.”

Aminadong broken-hearted sa ngayon, pagkatapos magpaalam nu’ng nag-absent sa The Buzz at sa Aquino and Abunda Tonight, na hindi muna siya papasok dahil nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Mayor Herbert Bautista. Ngayon, mukhang mas nakapokus na muna ang kontrobesryal na TV host sa mga positibo at magagandang mga bagay.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING