Kris Aquino, ‘di rin makatiis na ‘di isapubliko ang mga huling kaganapan sa buhay

ADVERTISING

Kris Aquino, ‘di rin makatiis na ‘di isapubliko ang mga huling kaganapan sa buhay

Kris Aquino, ‘di rin makatiis na ‘di isapubliko ang mga huling kaganapan sa buhayAkala ko mami-miss ko nang husto si Kris Aquino sa pamamaalam niya sa showbiz (for the 2nd time around) last week bago magsimula ang Holy Week para mapaigi ang kanyang kalusugan and at the same time ay para mag-bonding sila ng kanyang mga anak.

ADVERTISING

‘Yun pala, si Kris Aquino, hindi rin matiis na hindi magparamdam sa kanyang mga followers at fans na wala pa ngang isang linggo ay hayun at nag-post na sa kanyang Instagram account ang celebrity host ng mga kaganapan sa kanya at sa kanila ng dalawa niyang mga bagets.

Yes, sa Hawaii muna tumitigil si Tetay. Based sa posting niya, mukhang sa Waikiki area nakatira si Tetay sa isang serviced apartment na dati na rin nilang tinirhan noong huli nilang bakasyon.

Sa Easter Vigil Mass na dinaluhan ng mag-anak kagabi, sinulat ni Tetay sa kanyang IG account: “Tonight, we attended the faith inspiring Easter Vigil Mass, my 2 hours were a bit freaked that the church was dark for the 1st 45 minutes but the choice  of songs of praise and worship made the 2 hours just right…Happy Easter to All,” sinulat ni Kris.

ADVERTISING

As part of Kris relaxation, nanood sila nina Kuya Josh at Bimby ng Batman vs. Superman.

Sa mga followers ni Tetay na palaging nag-aalala sa kanyang kalusugan, based sa latest BP monitoring nito na ibinahagi niya sa kanyang mga mga fans, it reads 110/74.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING