Kris Aquino, ‘di pa tapos ang emote kay Herbert Bautista

ADVERTISING

Kris Aquino, ‘di pa tapos ang emote kay Herbert Bautista

Kris-AquinoKAHIT AKO man, bubula ang bibig ko sa bad trip. Itinuturing na may pinagsamahan kayo, ang ending ilalaglag mo lang basta-basta ang isang babae na umaasa at naniwala na mahal mo.

ADVERTISING

Last Wednesday evening, sa show niyang Aquino & Abunda Tonight, may komento na naman si Kris Aquino na wala mang binabanggit na pangalan, alam ko na ang pinapatukuyan ay ang “ex-boyfriend” na si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Yes, aminado ang controversial personality na hindi pa rin siya nakaka-move-on lalo pa’t nangggalaiti siya magpasahanggang ngayon kay Mayor Bistek.

Until now, never pa palang humingi ng dispensa si Mayor sa kanya in private. Hindi naman kailangang mag-public apology si Mayor kahit ang panlalaglag at pambabastos ay ginawa ni Mayor sa news program na Bandila.

Sa ngayon, may ngitngit pa rin si Kris kay Mayor Bistek. Pero kahit hindi man niya binanggit ang pangalan nito, alam mong malalim ang galit ni Kris.

ADVERTISING

Kaysa ma-focus sa negativity, mas gugustuhin ni Tetay magpakasaya lalo pa’t may binata na nagpapasaya sa kanya ngayon sa katauhan ni Derek Ramsey. Busy siya ngayon. Tipong no time for “love”, kung meron man (except for Derek na regular ka-date niya). Bukod kasi sa nightly show niya at taping ng Kris TV, may MMFF entry siya sa darating na December with no less than Coco Martin sa part 2 ng box-office hit na horror flick na Feng Shui. Bantay rin si Tetay sa pelikula ng anak na si Bimby na Private Benjamin 2 with Vice Ganda.

Unsolicited advice ko kay Mayor Bistek, why not invite Kris for a personal tsikahan para matapos na ang pag-e-emote ni Tetay. Hangga’t hindi nangyayari ito, I am sure hindi makamu-move on si Tetay sa isyung ito.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING