Kris Aquino, ‘di pa rin magawang manahimik

ADVERTISING

Kris Aquino, ‘di pa rin magawang manahimik

Kris Aquino with sons Josh and Bimby in Hawaii
Kris Aquino with sons Josh and Bimby in Hawaii

Kung inaakala ng marami na tuluyan na munang nanahimik si Kris Aquino habang nagbabakasyon ito for her wellness sa Hawaii, tila nagkakamali ang marami na ini-expect na manahimik muna siya gayong pansamantala naman siyang nagpaalam sa showbiz.

Halos araw-araw, may mga posting siya ng mga photos niya ng mga aktibidades niya sa Hawaii.

Nariyan ang daily exercise na ginagawa niya na paglalakad along sa shoreline of Waikiki Beach; ang panonood nilang mag-anak ng pelikulang Batman V. Superman; ang picture-piktyuran niya with Pinoys na roon na naka-base sa iba’t ibang mga location na mga avid fans at supporters niya, lalo na ang mga fans ng pang-umagang show niya na “Kris TV”.

Pero ang tanong ng mga miron at nang-iintriga, may reaksyon na kaya si Kris Aquino tungkol sa pagbubuntis ng girlfriend ng ex-husband niyang si James Yap?

ADVERTISING

As of press time, waley pa nagtatangkang magtanong kay Tetay kahit sa Instagram account niya.

Siguro, gusto muna nilang huwag gambalain ang pananahimik at pagbabakasyon ng celebrity host sa Hawaii,gayong sa estado ni Kris, deadma na siya kung ano man ang gawin ng ex-mister niya.

Ang concern na lang ni Tetay ngayon ay kung paano ang magiging relasyon ng anak niyang si Bimby at sa ama nito ang mahalaga.

Wala pa ring posting si Kris sa reaksyon ng anak sa nalalapit na pagkakaroon niya ng baby brother come late July or early August.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING