Kris Aquino, ‘di pa makikipagbati kay Ai-Ai delas Alas kundi rin nakipagbati sa kanya si Mayor Herbert Bautista?

Kris Aquino, ‘di pa makikipagbati kay Ai-Ai delas Alas kundi rin nakipagbati sa kanya si Mayor Herbert Bautista?

Kris-AquinoNAKAKALOKA ITONG si Kris Aquino, ha? Napanood namin ang paliwanag niya kung bakit niya binati na si Ai-Ai delas Alas.

Itsinika niyang nong bisperas ng kasal nina Marian Rivera and Dingdong Dantes ay binisita siya sa bahay ni Mayor Herbert Bautista para makipag-ayos. Iyon ang naging inspirasyon niya para batiin na rin si Ai-Ai.

“Sinabi niya na personal niyang ginustong tapusin ang taon na okay kami, na friends kami. And then sinabi ko na kung siya nagawa niya ito and ako natuwa ako sa gesture niya, baka naman si Ai-Ai matuwa sa gagawin ko,” say ni Kris.

“I felt so good that he (Mayor Herbert) gave me the importance to see me so I wanted to give her (Ai-Ai) the importance,” dagdag pa ng TV host.

So, kung hindi pala nakipagbati si Mayor Bistek sa kanya ay hindi niya babatiin si Ai-Ai? Ganoon ba ‘yon, Kris?

Isang gold necklace na merong pendants nina Mama Mary and Jesus Christ ang peace offering ni Kris kay Ai-Ai.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas