Kris Aquino, ‘di maitago ang pagkakilig kay Herbert Bautista

Kris Aquino, ‘di maitago ang pagkakilig kay Herbert Bautista

Kris-AquinoPA-GIRL ANG feeling ni Kris Aquino last Monday sa show niya kung saan co-host niya si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Kuntodo deny man ang nararamdaman niyang feelings kay Mayor Bistek, hindi maitatago na kinikilig pa rin si Tetay kay HB kapag tinutukso na siya ni K Brosas na katuwang ng Queen of All Media sa co-hosting noong umagang ‘yun.

Kung babasahin mo ang ikinikilos ni Tetay, hindi na bago sa kanya ang mga ganu’ng eksena. Kaya nga kung ano man ang tunay niyang nararamdaman, hindi mo siya masisisi na magpa-girl kay Mayor Bistek. Dahil ang hitad, nasaktan na, napapailing na lang kami sa mga kadramahan niya habang panaka-naka ay siniserban niya ng food si Mayor (na eklat na feeling girlfriend si Kris na hinahainan pa ng pagkain sa plato mismo ni HB na para ngang may relasyon ang dalawa).

Kung seseryosohin mo si Kris sa nauna niyang mga statement, bukas makalawa ay lilihis ito at magbabago, ikaw pa ang magmumuhang engot dahil sa bilis ng pagbabago ng isasagot niya at feelings niya.

Pustahan, give Tetay a couple of weeks (kapag nag-shoot na sila ng pelikula ni Mayor Herbert), asahan nating magiging iba na ang ihip ng hangin. Kung talagang zero na si Mayor HB sa puso ni Tetay, bakit niya sinita si Mayor na hindi man lang ito nag-text sa kanya nang magka-allegry siya? Sus maniwala ka ba kay Tetay na hindi na siya “head over heels” in love kay HB?

Sa isang eksena ng dalawa noong umagang ‘yun, himutok ni Tetay at sinita si HB dahil hindi man lang siya nito kinumusta nang magkaroon siya ng allergy. To quote Kris: “Sinabi pa niya sa akin, nanonood siya ng A and A (Aquino and Abunda Tonight)], e maganda raw ‘yung contour ng jawline ko, tapos dinedma na niya ako nu’ng nagkasakit ako.

“Everybody else nag-text sa akin at nangumusta at nagpadala ng fruits and flowers”, pero si Mayor ay dinedma siya. Say pa ni Tetay on national television.

Ang mga lalaking papetiks-petikis at umi-eklay lang kay Tetay, kawawa ‘pag nagkataon dahil sisitahin ka ni Kris upfront and on national television.

Ngayon, si Kris, wala nang feelings kay Mayor Bistek? Ay, si Kris, nagsisinungaling sa dikta ng puso niya.

Reyted K
By RK VillaCorta