Kris Aquino, ‘di ikinakahiya ang pagiging stage mom

Kris Aquino, ‘di ikinakahiya ang pagiging stage mom

1 Kris-AquinoLAHAT AY gagawin talaga ni Kris Aquino para sa anak na si Bimby Yap, kesehodang manguna sa takilya ang The Amazing Praybeyt Benjamin, kung saan kasama nga ang anak na pinagbibidahan ni Vice Ganda kaysa sa pelikula niyang Feng Shui with Coco Martin.

Hindi rin ikinahiya ni Kris sa ginanap na grand presscon ng Feng Shui last Wednesday na okey lang tawagin siyang stage mother dahil totoo naman daw talaga.

Katunayan ay tatlong beses lang daw siyang hindi nakasama sa shooting ni Bimby dahil tinatapos niya ang Feng Shui na idinirek ni Chito Rono under Star Cinema.

Kaaliw talaga si Kris, sa presscon kasi nang purihin siya ng press na mas lalong gumaganda ay napasigaw ito ng, “Ay! Gusto ko ‘yan. Dagdagan ko ang pa-raffle ko! Hahaha!”

Dahil kilala na si Kris na mahirap magtago ng hindi dapat sabihin, nabulgar nito sa presscon na sa one third na lang ng movie nilang Feng Shui siya lalabas sa movie.

Nasabi tuloy ni Direk Chito na: “Surprise dapat ‘yon.”

Pero hindi pumayag ang big boss ng Star Cinema na sa one third na lang ng movie papasok ang character ni Kris kaya nagdesisyon sila na dagdagan ang mga eksena ng actress.

Ang problema lang ay nagbayad sila ng penalty dahil bawal nang mag-shooting ang lahat ng entry sa MMFFP.

“Nagbayad kami ng penalty para sa additional scene,” pagbubulgar ni Kris.

Anyway, base sa trailer ng lahat ng entry sa MMFFP, sigurado nang papatok sa takilya ang entry movie nina Kris at Vice.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo