Kris Aquino, ‘di baleng maudlot ang morning show sa Siyete, basta happy ang puso kay Mayor Bistek

ADVERTISING

Kris Aquino, ‘di baleng maudlot ang morning show sa Siyete, basta happy ang puso kay Mayor Bistek

Kris Aquino and Herbert Bautista
Kris Aquino and Herbert Bautista

Keber para kay Kris Aquino kung sakaling na-bump-off man ang supposed to be morning show niya sa GMA Kapuso Network, kung mas binigyang-priority ng TAPE, Inc. ang mga bagets na Baes na muna ang mauna ang show nila na “Trops” (na magsisimula na sa Lunes bago mag-“Eat… Bulaga!”) kaysa ang naghihintay na si Tetay.

Mula nang pumirma si Kris ng management contract sa grupo ni Mr. Tony Tuviera (kasama niya sina Marian Rivera at Maine Mendoza sa talents ni Mr. T), parang nawalan ng momentum si Tetay na matagal nang hinihintay ng milyun-milyon niyang fans na mapanood ito sa telebisyon.

Sabi ng isang observer, okey lang daw kay Kris na maghintay, habang siya naman ay ini-enjoy ang kanyang “muling” pagbabalik-romansa sa naudlot na relasyon nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista noon.

Sa kanyang Instagram account, si Tetay ay happy sa muli nilang pagtatagpo ni Mayor Bistek. Sa kanilang muling pagsasama (kasama na rin ang muling pagbubuhay ng naudlot nilang loving-loving), mas interesado si Kris na unahin ang kanyang lovelife.

ADVERTISING

Balita nga namin na halos laging nagkikita sina Mayor at Tetay na ewan kung ano ang dahilan (hindi naman siguro ang mga legal papers ni Kris sa bahay na ipinatatayo niya, dahil ang contractor naman ang mag-aasikaso nito), always may ganap sa “buhay pag-ibig” ng dalawa.

Yes, hindi man inaamin ng dalawa na ang “something” na naudlot noon ay ipinagpapatuloy nila, hayaan na rin siguro natin ang dalawa. They deserve to be happy naman, ‘di ba?

Si Tetay, matagal nang loveless at walang “legal relationship” after James Yap, at si Mayor Herbert naman, open secret na rin naman sa mga anak na sina Athena at Harvey na wala na’t hiwalay na ang kanilang parents. It’s just time na sina Mayor at Kris ay maging open na sa kanilang relasyon.

Bagay naman ang dalawa, ‘di ba?

Kung ang morning show ni Tetay ang isyu. keber nga naman ni Kris kung kailan ito magsisimula sa telebisyon. Ang importante ay happy ang puso niya. ‘Di ba, Dindo B.?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING