Kris Aquino at Derek Ramsay, kumpirmado na ang pagsasama sa pelikula

ADVERTISING

Kris Aquino at Derek Ramsay, kumpirmado na ang pagsasama sa pelikula

Kris-Aquino-Derek-RamsaySA PRESSCON ng M: Mother’s Maiden Name na pinagbibidahan ni Zsa Zsa Padilla at palabas na ngayong Miyerkules (Jan. 21), kinumpirma ni Atty. Joji Alonso (producer ng Quantum Films) na may gagawing pelikula si Derek Ramsay sa Star Cinema kasama si Kris Aquino, at isa ang Quantum Films sa co-producers nito.
Ayon pa kay Atty. Joji, Chemistry ang magiging tentative title ng Derek-Kris movie na si Chris Martinez ang sumulat ng script at magdidirek. Co-producer din ng pelikula ang Regal Films at production outfit ni Kris.
“Magsisimula na kaming mag-shoot sa May, pero ang target naming showing ay sa last part ng September,” excited niyang tsika.
Dagdag pa ng lady producer, “Romcom ‘yung gagawin nina Derek at Kris, pero medyo matured na nang konti.  Maganda ‘yung material ni Chris Martinez, nakakatawa. Married sila to somebody else tapos something will happen and then they’ll find themselves somewhere.
“Kasama rin si Eugene Domingo sa movie. Para siyang Whoopi Goldberg sa Ghost dito. Ganu’n kalaki, ganu’n ka-significant ‘yung role niya.”
Masaya ring ikinuwento ni Atty. Joji na dahil kumita ang English Only, Please ay bibigyan niya ng bonus sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.
“Alam na nila kung magkano ang kanilang matatanggap. Pero baka by February ko pa ‘yon maibigay. Ngayon lang ako makakapagbigay ng ganu’n kalaking bonus. Hahaha,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING